Chapter 67: Frat Gangster

923 32 0
                                    

Zyra POV

"Dean, pinapatawag niyo daw ho kami" tanong agad namin.

"Ah, yes, yes. Maupo muna kayo. Oh, mabuti andito ka rin President lopez. Ipapatawag pa sana kita pero andito ka na kaya mabuti" sagot ni dean. "Maghintay muna tayo dahil may darating pa. Ah, miss vic paki-lagay ito sa stock room" sabay bigay niya ng tatlong librong luma. Tinignan ko naman yung pamagat.

'The heirless' 'The Mafia' 'The Head'

Napa-kunot noo naman ako. Bakit may ganito si dean max? Saan niya ito kinuha? Tumingin ako kay dean.

"Dean, gagamitin niyo pa ho ba ito?"

"Ah? Yes? Ms. Vic?"

"Mmm, kwento ho ba ito, dean?"

"Yes? Yes, Ms. Vic" Tumango na lang ako.

Tumingin ako kila yabang. Nginuso ko itong libro. Tumango-tango naman sila. Gets na nila kung ano ang ibig kong sabihin.

Lumabas ako ng D.O at naglakad papuntang stock room. Nilagay ko lang iyon sa ibabaw ng mga gamit. Hindi ko rin ni-lock iyong pinto. Baka may pumasok pa dito. Napangiti na lang ako sa kawalan habang naglalakad. Mabuti at tutulungan ako nila xylorh.

Pagkapasok kong muli sa D.O nangunot yung noo ko. Anong ginagawa nila dito?

"Zyra" bati nila. Napatingin ako kila Wayne, kila samantha, kila Bryant, at kila thea. Ginagawa nila dito? Anong kailangan ni dean samin? Bakit kaming lahat pa? Mabuti na lang maluwang itong D.O kaya hindi kami siksikan.

"Dean, tapos na ho" tawag pansin ko sa kaniya. Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Thank you Ms. Vic. You may now take your seat" tumango ako at umupo.

"Zana, anong meron?" Bulong ko kay zana siya kasi nakatabi ko.

"Ewan ko, couz. Pagka-punta namin andito na sila. Saan ka ba galing?"

"Inutusan ako ni dean. Pero, kami ang unang pinapunta dito"

"Kung ganun. Anong sabi?"

"Wait daw namin kayo"

"Psh, okay"

"Okay, kompleto na kayo. That's good" paninimula ni dean max. Tumayo kami.

"Good morning, dean Max"

"Good morning too" umupo na ulit kami. "Kaya ko kayo pinatawag dahil may kailangan akong sabihin. Nalaman na namin kung sino ang nagsunog ng CIS" nanlaki ang mata ko pero hindi ko pinahalata. Nagulat naman ang lahat. Tumingin ako kay zana. "Umamin na siya samin" sa bawat pagsalita ni dean bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Alangan namang umamin si ninja? Hindi niya magagawa----- "Isa siyang taga europe" nakahinga ako ng maluwag. "Pumunta siya dito upang bilhin sana ang CIS kaso hindi pumayag si dean Carl kaya sinunog niya ang eskwelahan ng CIS"

"Alam na po ba ito ni dean Carl?" Tanong ni euna. Umiling siya. Sino naman ang lapastangan ang umamin? Ang bait niya naman para umarko ng kasalanang hindi niya ginawa.

"Miss Vic" napatingin ako kay dean.

"Yes, dean?"

"Alam mo ba kung nasaan si dean carl?" Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Shete! Ayoko ng ganito. Calm down, zyra! Hindi mo pa katapusan! Malinis gumawa sila ninja!

"A-Ah, hindi dean. Hindi ho. Hindi ko ho alam kung nasaan siya" I lied.

"Ay, Sayang naman. Ikaw lang kasi ang lagi niyang kinaka-usap kaya sayo ko tinatanong kung sinabi niya sayo kung saan siya pupunta"

"Hindi ho, dean. Hehe"

"Wala ba siyang nabanggit kung saan siya pupunta?" Tanong ni sam. Ngumisi ako ng palihim.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now