Chapter 82: Jace

1K 25 0
                                    

Zyra POV

"Sabay kayo ni zimon kanina?" Tanong ni yabang, naglalakad kami dito sa hallway, kakatapos lang ng practice nila.

"Oo, bilis pala makarating sayo yun"

"Tsk, bakit kayo sabay nun?!"

"Masama ba? Saka si zimon yun! Parang kapatid na talaga ang tingin ko doon!"

"Paano naman yung kaniya? Ano sa tingin niya sayo? Lalo na't alam niyang hindi kayo magkapatid"

"Tsk, ano ba yabang. Nagseselos ka ba, ah?" Napakunot yung noo niya sa sinabi ko. "Oh, magde-deny ka. Sus bulok na yan. Ang pangit mong mag-selos kaya huwag kang gumanun"

"Wow, ah! Ang dami mo ng sinabi! Saka feeling mo naman ang ganda mong mag-selos. Mukha ka kayang naiimpit na bangaw"

"Grabe, ka sa naiimpit na bangaw ah! Hindi naman ako ganun! Palibhasa mukha kang aircon sa sobrang hangin at sobrang yabang! Ikaw nga pala ang hari ng kayabangan noh?!"

"Tsk, pandak"

"Yabang!" Nagsamaan kami ng tingin. Sa inis ko binatukan ko siya at ang loko binatukan rin ako. Pinagha-hampas ko siya at ang bwiset pinipitik yung noo ko! Kaasar na yabang toh! Napakayabang! Nakakainis sarap niyang batukan ng maraming beses!

Sinipa ko siya pero naka-ilag siya, sinamaan niya ako lalo ng tingin. Hindi ako nagpatalo, sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Hindi ka talaga titigil?!" Sabay naming sabi. Mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Ginagaya mo ba ako?!" Inis na sabi ko, pinitik niya yung noo ko.

"Why do I that?! Saka ikaw gumagaya sakin!"

"Aba, tigas din nito, eh" bulong ko na lamang baka pag sinabi ko pa----

"Hindi ako bato kaya hindi ako matigas"

"Bakit? Sinabi ko bang bato ka?"

"Bakit may sinabi rin ba akong bato ako?" Mas lalo akong nainis sa kaniya. Binatuhan ko siya ng jacket. Nasalo naman niya iyon.

"Alam mo----"

"Hindi ko pa alam"

"Ang yabang-yabang mo talaga! Tumigil-tigil ka na yabang! Nanggigigil na ako sayo"

"Ganiyan ka manggigil? Ang pangit talaga, babe" ngisi siyang lumapit sakin. "Ganiyan dapat! Para mas lalo kang pumangit, hahahaha" hinampas ko nga siya ng lagyan niya ako ng sungay sa ulo gamit ang daliri niya. Ngumisi ako ng nakakaloko.

"Kaya pala patay na patay ka sakin nun"

"Grabe sa patay na patay, ah!"

"Oh? Bakit? Hindi ba sunod ka ng sunod sakin noon? Torpe, mm?"

"I'm not torpe!"

"Hindi daw! Ano tawag mo dun? Torpeng mayabang?" Mas sinamaan niya ako ng tingin. Napakunot noo ako ng may maalala ako. "Wait, ikaw ba yung nagbigay ng red rose noon?"

"Red rose? Hindi ah? Hindi naman ako cheap para ipabot iyon sa taong gusto ko, gusto ko ako yung magbibigay mismo" yabang na maarte. "Teka nga! Sino yung nagbigay nun?!"

"Aba, malay ko! Maganda ako kaya magkakaroon talaga ako ng secret admirer" napangiwi siya sa sinabi ko.

"Gutom ka lang!"

"Oo, Gutom na ako! Bagal mo pang maglakad"

"Aba! Kung nauna ka na sana noh?!" Hinila ko na lang siya, dahil paniguradong pag sinumbatan ko pa siya tatagal pa kaming nakatayo doon.

Nang makasakay kami sa kotse niya, uminom agad ako ng tubig. Kapagod niyang hilain! At talagang nagpahila talaga siya, kay yabang!

"Bayaran mo yan!" Napatingin ako sa kaniya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now