Chapter 46: Heartbeat

1K 35 0
                                    

Zyra POV

Nang makarating ako sa room. Nandoon na si lance. Hays, buti na lang wala pa si miss clown. Kahapon lang kami naka-uwi galing sa resort nila yabang. Yun ang pinaka-masayang nangyari sa buong buhay ko. Ang maka-bonding ang mga kaibigan ko.

"Aga mo, ah" sabi ni lance ng maka-upo ako sa tabi niya.

"Oh, well. Maaga akong natulog, eh"

"Araw-arawin mo yan, ah?"

"Your wish is not my command" natawa kami sa sinabi ko.

Nang pumasok na si miss clown. Nakinig na kami. Grabe, ang layo na agad nila! Kailangan kong mag-habol ng lesson. Tsk, kung pwede naman kasi maglakad bakit kailangan pang takbuhin?

Buti na lang hindi sila nagpa-quiz kundi baka mazero ako. Walang problema kay lance kasi matalino yan!

"Ms. Vic. Pinapatawag ka sa dean office" sabi ni sir ng maka-pasok siya sa room. Tumango naman ako at tinahak ko na ang daan papuntang D.O.

Nang makarating ako. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa loob.

"Dean, pinapatawag niyo daw ho ako?" Sabi ko ng makapasok ako.

"Ah, yes. Paki-bigay ito kay president Lopez" sabay abot niya ng white envelope.

"Para saan ho ito dean?"

"Nakasulat diyan ang mga kasali sa sports" tumango naman ako.

"Dean, nasaan ho banda si p-president l-lopez?"

"Baka nagro-round"

"Sige ho. Aalis na ho ako"

"Sige. Thank you"

"Welcome, dean" sabi ko at tuluyan ng umalis sa D.O.

Nasaan naman kaya ang yabang na yun? Bumuga ako ng hangin at hinanap si yabang. Argh, magpakita ka na! Kailangan kong maghabol ng lesson! Shit, bukas na pala ang teachers day at intramural. Ang bilis talaga ng araw.

Nang mapagod ako huminto na muna ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napagtanto na nasa garden ako at nandito ako sa puno kung nasaan kami noon ni yabang.

"Looking for me?" Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Lumayo ako at humarap sa kaniya. Napalunok ako ng ang gwapo niya naman atah lalo ngayon. I mean, gwapo na talaga siya pero iba yung ngayon. Mas lalo siyang gwumapo. "Staring is rude, you know?" Ewan ko ba kung nasa personality niya na ang malamig na boses.

"A-Ah, pinapa-bigay n-nga pala ni d-dean" shit, bakit ako nauutal? Eh, ibibigay ko lang naman ito sa kaniya. Ano bang nangyayari sakin?!

"Para saan toh?" Tanong niya ng maiabot ko. Kunot noo niya naman yun tinignan.

"Para sa sports daw yan"

"Mm, I see" tumingin siya sakin. "Go back to your room. Thank you"

"Mmm" sabi ko at aakma ng tatalikod ng tawagin niya ulit ako. Hindi ko alam pero awtimatiko akong lumingon sa kaniya.

"Ganiyan ka ba magsabi ng welcome?"

"Yes? Why?"

"It's rude you know?" Nag-cross arm siya sakin. "Now. I want to hear from you saying W.E.L.C.O.M.E"

"It's that you pronounce saying welcome?"

"No, I just want to spell"

"Tsk, welcome president lopez" magalang na nakangiting sabi ko.

"Tss, you may go. Ms. Vic" tumango na lang ako bago bumalik sa room.

---

"Honey naman, eh" maktol ni kc kay lance. Yeah, kanina pa sila ganiyan kaya hindi ako makakain ng maayos. Lunch break pa naman, hays.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now