Chapter 76: Visitors

955 35 0
                                    

Zyra POV

From: yabang

Bilisan mo, dapat andito ka na before 5 minutes.

To: yabang

Aba! Ang bilis naman iyon!

From: yabang

Tsk, baka makikipag-kita ka sa iba kaya matatagalan ka.

To: yabang

Psh, hindi ah! Selosong yabang.

From: yabang

Hindi ako seloso. Gwapo lang, 😎

Natawa ako sa emoji niya. Kahit kailan, hahaha. Napapailing kong tinago yung cellphone ko. Naglakad na ulit ako para hindi na umatungal si yabang kakaantay dun.

Habang naglalakad ako may bumangga sakin. Isang magandang babae. Kasing edad niya lang sila Mrs. Vic pero kahit ganun nag-uumapaw pa rin ang ganda niya na sa sobrang nag-uumapaw parang kasing edad ko lang siya sa sobrang ganda niya. Edi, siya na. Ewan ko nga kung kasali ito sa miss universe.

"Sorry" mahinhin niyang sabi. Ngumiti ako at umiling.

"Ahm, huwag po kayong humingi ng tawag dahil ako naman ang may kasalanan. Sorry po kung nabangga ko kayo"

"Ngunit ako ang bumangga sa iyo. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko"

"Para po quits. Kasalanan natin pareho" natawa kami sa sinabi ko.

"By the way, hija. Anong year mo na?"

"Fourth year high school po"

"Oh, graduating ka na pala"

"Oo nga po, eh. Ang bilis nga po ng panahon"

"Nasabi mo pa, hija. Parang kailan lang kami pa ang nag-aaral dito, haha" pati ako natawa sa sinabi niya. So, dito din siya nag-aral, kay tagal na nga talaga ng paaralang ito.

"Mommy, let's go" napatingin kami sa nagsalita. Isa ring magandang babae. Kasing edad niya si zimon kung tutuusin. "They're waiting for us" napatingin siya sakin. Ngumiti ako pero ang putik inirapan ako. Gago ba toh? Upakan ko ito, eh.

"Ahm, hija. Mauuna na ako"

"Okay----"

"Mom!"

"Just wait, Christine! Don't you see? I'm talking to the girl"

"Ahm, Mrs.?"

"Rainter na lang, hija" kakaiba naman, hehe.

"Ahm, Mrs. Rainter mauuna na rin po ako. Nice to meet you na lang po"

"Nice to meet you too. I hope we see each other again"

"Me too, Mrs. Rain----"

"Mom!"

"Mukhang naiirita na po yung anak niyo. Mauuna na po ako" tumango-tango ito.

"Mukha nga. Sige hija" at umalis na ako. Yung babaeng iyon sarap itapon. Maldita! Argh! Naiirita talaga ako sa mukha niya. Maganda nga. Pang-model nga yung mukha ang pangit naman ng ugali! Bakit ganun? Ang bait ng nanay niya pero siya?! Never mind.

---

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad ni yabang. Umupo ako sa tabi niya.

"May kinausap pa ako"

"Lalaki mo?"

"Babae yun noh! Ikaw talaga seloso"

"How many times do I have to tell you that I'm not seloso" napangiwi na lang ako at tumango.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Où les histoires vivent. Découvrez maintenant