Chapter 17: Mayabang

1.3K 37 2
                                    

Zyra POV

"Zyra" tumingin sakin si Rita kaya napatingin na silang lahat sakin. Muntik pa tuloy akong nabulunan buti na lang naka-inom agad ako.

"Oh, bakit?" Sabay punas ko sa labi ko ng panyo. Ang sakit ng lalamunan ko tuloy.

"Zyra, diba alam mong may pag-tingin ako kay lance?"

"Oh, ano naman ngayon? Yeah, may gusto ka nga sa kaniya pero siya may gusto naman kay kc. Simula ng magka-gusto ka sa kaniya. May gusto na rin siya kay kc. Yun nga ang bukam bibig niya sa akin. Kahit may klase siya ang bukam bibig niya. Nagda-daydream pa yan kay kc. At ikaw ni isang beses hindi ka niya iniisip. Truth hurts nga naman"

"See, he loves me. And you---ashh, whatever" pasinghal na sabi ni kc.

"Huhu, ikaw babae ka. Hindi kita tatantanan" sigaw ni Rita kay kc pero senenyasan niya lang ito na parang asong tinataboy.

Napangiwi na lang ako at umalis na sa gym. Paagaw eksena sila doon.

"Hmm, hmmmm, hmmmmm" kanta ko ng may mabangga akong poste este tao. "Aray" sabay himas ko sa noo ko.

"Stupid" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang napaka-lamig na boses na iyon at para makumpirma ko ito. Tinignan ko agad ito at tama nga ako si.. Zyzeir!

"A-ano kamo?"

"Stupid"

"At inulit pa. Tigas din nito eh" bulong ko sa sarili ko yung tanging ako lang ang makaka-rinig.

"Hindi ako bato kaya hindi ako matigas" kay lakas naman ng pandinig ng lalaking ito. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Sinabi ko bang bato ka?"

"Bakit may sinabi rin ba akong bato ako?"

"Alam mo----"

"Hindi ko pa alam"

"The hell!" Inis na sigaw ko. Kabwiset na lalaking ito.

Oo, gwapo siya at pareho lang silang gwapo ni bebe ko at pantay lang rin sila ng kagwapuhan. Pero, the hell! Ang pangit ng ugali niya. Si bebe ko naman asar lang yun pero ito. Wala akong masabi sa sobrang yabang.

"Naiinis ka na agad? Yun pa lang ang nasasabi ko. Paano pa kaya pag.." Huminto siya at ngisi akong tinignan mula ulo hanggang paa kaya tinaasan ko siya ng kilay ng magtama ang paningin namin.

Nang makita ko agad ang pagmu-mukha niya kumukulo na ang dugo ko. Kabwiset kasi nito. Napaka-yabang.

"Ano?!"

"Ngayon ko lang napansin"

"Na ano?!"

"Na ang pangit mo" napanganga ako sa sinabi niya. The hell, siya pa lang ang nagsabi niyan.

"Ang kapal ng mukha mo. Akala mo ang gwapo-gwapo mo. Pwes, para sabihin ko sayo. Ikaw na ang lalaking nakikilala kong sobrang pangit" agad niya akong sinamaan ng tingin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala mo kung sino! Arghh.

"What did you say?"

"Pag sinabi ko na. Ayaw ko ng ulitin pa" huminga siya ng malalim na akala mo nauubos na ang pasensya niya saakin. "Ano? Galit ka na? Wala ka pa lang sinabi eh"

Maglalakad na sana ako ng patidin niya ako kaya napa-upo ako sa cemento.

Galit ko naman siyang tinignan na ngayon ay ngingisi-ngisi na siya sa akin.

"Ngayon ko lang ulit napansin na..." ngumisi siya ng malaki na kina-inis ko. "Na ang pandak mo" sabay alis niya.

Napapanganga naman akong tumingin sa kaniya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now