Chapter 78: PSP

1K 30 0
                                    

Zyra POV

"Apo, may dapat kang malaman" mangiyak-ngiyak kunwaring sabi ni demonyong matanda. Yeah, umuwi ako ngayon dito sa mansion.

"A-Ano iyon, lolo?"

"May kumuha sa lola mo"

"What?! Lo, paano nangyari iyon? Sinong kumuha kay lola?" Naiiyak ko ng sabi kunwari. Syempre, acting muna ako ngayon.

"Hindi ko alam, apo. Sa tingin ko hindi sila taga dito"

"Lo, p-paano natin makukuha si lola. Baka kung anong gawin nila sa kaniya"

"Gumagawa na kami ng paraan. Hayaan mo at ibabalik natin ng ligtas ang iyong lola" umiiyak akong tumango. Niyakap ako ni Mrs. Vic. Tsk.

"M-Mommy, bawiin ho natin si lola, huhu"

"Babawiin natin siya anak ko"

"Don't worry, dahil sisiguraduhin kong hindi sila makaka-alis ng ibang bansa" sagot din ni Mr. Vic. Umiiyak akong tumango. Sa susunod nga mag-aartista na ako. The best ang acting ko dito!

---

"Class, copy this" sabay taktak ni sir daldalito sa black board na may naka-sulat. Hutek, ang dami! Hindi pa ako nagsisimula ang sakit na ng kamay ko. Ang sakit din ng dibdib ko kakaiyak kanina. Syempre, acting yung kanina kaya mahirap.

"Mag-sulat ka nga" saad ni lance. Busangot akong tumingin sa kaniya.

"Tinatamad----"

"Sir----"

"Ito na magsusulat na!"

"Ano yun, Mr. Co?" Tanong ni sir, napalunok si lance kaya napatakip ako ng bibig upang pigilan ang tawa.

"S-Sir, excuse me po. H-Hindi ko po makita"

"Ay, ganun ba? O, sige" sabay gilid ni sir daldalito. Natawa tuloy ako ng mahina. Sa totoo lang gusto ko ng tumawa ng malakas pinipigilan ko lang para hindi ako mapalabas ni sir.

Tumingin ako sa black board. Bored na bored akong nagsulat. Panay din ako bura kaya puro angal si lance kasi halos ako na maka-ubos ng correction tape niya.

"Oh, salamat" sabay bigay ng correction tape niya. Kinuha niya iyon at tinitigan, natawa tuloy ako.

"Ibibigay mo lang pag-ubos na?!" Natawa ako sa sinabi niya. Tama siya ubos na yung pang-bura niya.

"Aba, kasalanan ko ba? Itong notebook ko ang pagalitan mo kasi siya ang pinag-lalagyan"

"Malalagyan mo yan kasi puro ka mali"

"Sus, tag-bebente lang naman yan. Bilan pa kita ng marami, eh"

"Fita nga hindi mo na mabili sa sobrang kuripot, correction tape ko pa kaya?" Natatawa ko siyang binunggo.

"Grabe, ka talaga sakin! Ang damot mo na sakin!"

"Kailan pa ako naging madamot sayo?"

"Simula ng isilang ka sa mundong----" binatukan niya ako, natawa tuloy ako.

"Sira ka talaga---tapos na akong mag-sulat!" Tumingin siya sa notebook ko at napanganga siya ng.. "Dadalawa pa lang nasulat mo?"

"Hahaha, I told you, tinatamad ako"

"Okay, class. Magche-check ako ng notebook ngayon. Kaya yung mga tapos na pumunta na dito sa akin para maicheck ko na. At kung sino lang ang nakapag-pacheck sakin yun lang ang pwedeng lumabas" napanganga ako sa sinabi ni sir daldalito. Bakit ngayon ka lang magchecheck kung kelan tinatamad ako?! Kaasar!

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now