Chapter 84: Sports Fest

1K 25 0
                                    

Zyra POV

Kasama ko ngayon si yabang, xylorh at bryant upang kausapin na siya. Matagal ko na dapat itong ginawa ngunit naging duwag ako.

"Anong kailangan niyo sakin?" Seryoso nitong sabi kaya lumapit ako sa kaniya.

"Clyde.."

"Umalis ka na, umalis na kayo. Ayoko kayong makita" sabay talikod niya kaya nataranta ako.

"Nakiki-usap ako, clyde. Kailangan ko tulong mo" natatawa siyang tumingin sakin.

"Really, chane? Maaalala mo lang ako kapag may kailangan ka? Kayo?! Pagkatapos lahat ng nangyari magpapakita kayo sakin na parang walang nangyari?!"

"I'm sorry, clyde. Ngunit kailangan ko ng malaman kung sino ang mastermind"

"Haha, bakit hindi mo alamin mismo kung sino? Nasa paligid mo lang, chane. Huwag ka naman maging tanga!"

"Ang sakit na ng ulo ko kakahula! Tao lang din naman ako, may kahinaan din!" Seryoso itong tumingin sakin.

"Bakit hindi mo tanungin yung nanay mo? Balita ko nakabalik na siya" ngumisi siya ng makita niya akong naguluhan sa sinabi niya. "Hindi mo alam ang kaniyang pangalan? Okay, I will tell you. Siya si zajashi heirless" para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Alam muna siguro ang kaaway ng iyong ina? Siya ang mastermind sa lahat ng mga nangyayari ngayon" hindi ko maiproseso lalo, bakit parang mas bumigat ngayon. Si Mrs. Vic ang mastermind ng red group, siya din ang mastermind sa lahat ng frat at siya din ang sinusunod ng mga magulang ni shadow. Bakit hindi ko agad ito nalaman ng maaga? "Ngayon alam mo na kaya maaari ka ng umalis"

"Hindi"

"Ano?!"

"Mag-usap tayo"

"Nag-uusap na tayo"

"Ng tayo lang" seryoso kong sabi at nauna ng pumunta sa tabi ng puno.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?! Sinabi ko na sayo lahat---"

"Tumahimik ka"

"Ano?"

"Tumahimik ka"

"Hindi kita maintindihan---"

"Kahit ngayon lang, gusto ko ng katahimikan. Kaya pwede ba manahimik ka diyan?" Galit kong sabi kaya natahimik ito. "Bakit? Bakit bigla ka na lang umalis ng hindi manlang nagpapa-alam?!" Sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Hindi mo ba alam na araw-araw kong sinisisi yung sarili ko ng mawala ka?! Sinisisi ko yung sarili ko dahil ang alam ko kasalanan ko ang lahat! Akala ko kasalanan ko kung bakit ka umalis! Ngayong nakabalik ka na, ni hindi mo manlang ako binisita. Ganun na ba kalaki ng galit mo sakin?"

"Dahil nasaktan ako! Kailangan kong magpakalayo upang hanapin muli ang sarili ko! Sobra kasi akong nasaktan ng piliin mo siya, eh! Ang sakit kasi nung best friend ko yung pinili mo!" Best friend niya si xylorh at sobra akong nasaktan ng malaman kong may gusto din pala siya sakin. Pinag-pili niya ako kung sino sa kanila ni xylorh ang pipiliin ko at hindi ako nagdalawang isip na piliin si xylorh dahil siya ang gusto ko, simula nung pinag-pili niya ako, doon din nabuwag ang pagka-kaibigan nila ni xylorh. Siya yung lalaking nagtawag kay xylorh noon kaya ko nalaman ang pangalan ni xylorh noon. "Congrats, mukhang kayo pa din hanggang ngayon, ah"

"Hindi naging kami" napakunot noo siya. "Dahil nang sasagutin ko na siya, bigla akong naaksidente" hindi siya umimik at nagsindi lang siya ng sigarilyo. "Sana magka-ayos na tayo, clyde. Ayaw ko na ng ganito, ayaw ko na ng gulo, please"

"Umalis ka na"

"Nagmamakaawa ako"

"Hindi ko kailangan ng makaawa mo kaya umalis ka na" napabuga ako ng hangin, siguro hindi pa ito ang tamang oras para mapatawad niya ako.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now