Chapter 24: Libre

1K 39 1
                                    

Zyra POV

"Lance!" Sigaw ni zana kay lance na nasapo na ang noo at napapailing na lang. Pinigilan ko namang matawa, hahaha.

"S-sabi niya a-ayaw niya daw ibigay, huhuhu" sumbong ko pa, hahaha. Sa totoo lang pigil na pigil na akong tumawa.

"Hi, zyra-----oh, bakit ka umiiyak?" Takang sabi ni taylor.

"Couz, p-pati siya. Ayaw akong i-ilibre, huhu"

"Taylor! Bakit ayaw mong ilibre si zyra?" Mataray na sabi ni zana kay taylor na agad nagulat, hahaha.

"Ah? Pe----"

"Tignan mo n-nagda-dahilan pa, huhu"

"Huy, babae anong kadramahan----"

"Huwag mo nga siyang pagsabihan ng ganiyan kita mong umiiyak na nga! Tahan na, couz" sabay himas ni zana sa braso ko.

"A-ayaw niya ako-----"

"Hi zyra. Oh, why are you crying?" Takang sabi ni mike ng makita niya ako.

"S-siya din, huhu"

"Ah? Anong ako?"

"A-ayaw mo akong ilibre"

"Ah, yun ba? Halika ililibre kita"

"T-talaga? Akina ngarod card mo"

"Ah? Ako na bibili"

"Huhu, couz. Ayaw niya"

"Ibigay mo na lang, mike" nagtatakang tumingin si mike kina taylor at lance na hawak ang noo habang umiiling, hahaha.

"A-ayaw ko nga"

"Huhu, kita mo na couz. A-ayaw nila akong ilibre"

"Oh, hi zyra, oh, bakit ka umiiyak? May nang-away ba sayo?" At yun na nga sabay-sabay na dumating sina ashero, Xylorh, luis, jace, yabang, brix, at yung dalawang kaibigan pa ni yabang.

"Anong drama yan, pandak?" Natatawang sabi ni yabang.

"Bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni luis.

"Sinong nang-away sayo?" Tanong rin ni brix.

"Gagantihan namin" sabi rin ni ashero. Sa totoo lang gusto ko ng matawa. Bwiset kasing lance toh, haha.

"Pati sila couz, huhu"

"Kami? Bakit kami?"

"Huy, kayo! Bakit hindi niyo ilibre si zyra?" Napanganga sila sa sinabi ni zana kaya tinakpan ko ang mukha ko para pigilan ko ang tawa ko.

"Couz, a-ayaw nilang i-ibigay yung card nila"

"What? No way" sabay-sabay nilang sabi na kina-iyak ko lalo. Taena, mukha na akong tanga dito.

"Kita mo na, couz? Ayaw nila ibigay yung card nila kaya ayaw ko na dito, eh huhu" sumbong ko pa kay zana.

"May pagkain ka pa naman, oh" sabi ni lance sabay turo sa tray ko.

"Anong pagkain? Sayo yan. Hindi mo ko nililibre, huhu"

"Anong hindi? Ako araw-araw gumagastos ng meryenda at lunch mo"

"Huhuhu, couz. Sumasagot pa siya oh" nasapo nilang lahat yung noo nila kaya double ang pagpipigil ko ng tawa.

"Hi, zyra---bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Fred na bagong dating.

"Kung hindi mo ibibigay yung card mo tulad nila. Umalis ka na, huhuhuhu"

"Ah? Oh" sabay lapag niya ng card niya. Napataas naman ang kilay ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon