Chapter 52: Mahal na atah kita?

1K 41 2
                                    

Zyra POV

"Oh, saan ka galing?" Tanong ni zana ng makabalik ako sa garden.

"Ah, namasyal lang" palusot ko.

"At hindi ka nag-aya?" Taas kilay na sabi ni kc.

"Next time"

"Saan ka naman namasyal?" Tanong ni jasmine.

"Kung saan may patayan" natawa ako ng ngumiwi sila. "Diyan lang. May tinignan lang"

"Dito na lang ba tayo mag-hapon?" Tanong ni lance.

"Kung gusto mo tumambling-tambling ka papunta kung saan"

"Alam mo. Umalis ka na nga ulit. Mas maganda-----"

"Alam kong mas maganda ako kesa sa kanila" natawa ako ng tinaasan ako ng kilay nila zana.

"Bakit ba ang sigla mo ngayon?" Tanong ni brix habang nakahiga siya sa hita ni winnie.

"Hindi ko din alam. Siguro masaya ako dahil-----"

"Dahil nakakakita ka ng katulad namin?" Agad kong binato ng plastic bottle si yuan sa sinabi niya. Wala namang laman yun kaya hindi masakit.

"Kakapal mo din, eh noh? Katulad mo yung leader niyo! Napaka-hangin"

"Ay, ay, ay. Miss mo na ba si kaizer kaya mo sinasabi yan?" Ngising pangangasar ni jacod. Tumaas naman ang kilay ko.

"HA! Asa! Napaka-yabang nun. Akala mo kung sino. Tapos napaka-hangin niya pa!" Palusot ko.

"Uyyy, may gusto ka sa kaniya noh. Kaya mo sinasabi yan!" Napataas ulit ang kilay ko sa sinabi ni taylor.

"Dun? Magkaka-gusto ako? Sa isang hari ng kayabangan? Sa isang mahangin? Talaga? Seriously?" Kunwaring natatawa kong sabi. Shems, hindi nila ako pwedeng mapaamin.

"Oh, bakit ang dami mo ng sinabi?" Nagsingisi sila sa sinabi ni luis. Sinamaan ko nga sila ng tingin at naupo na lang.

Tsk, bakit napaka-depensive ko? Shunga ko talaga. Papahalata talaga ako masyado, tsk.

Tumingin na lang ako sa sanga dahil hindi ko pa din lubos maisip kung bakit lumalayo sakin si yabang. Ayos pa naman kami nung nasa back stage kami, ah. Anyare?

Simula kasi kahapon nung nasa carnival kami napansin kong lumalayo na siya sakin. Wala akong makitang dahilan kung bakit siya gumaganun, hays.

Stress na nga ako sa nararamdaman ko sayo tapos ma-sstress pa ako sa pag-iisip kung bakit mo ako iniiwasan. Kung kailan nahulog na ako sayo tsaka mo pa naisipang layuan ako. Kainis ka yabang!

Hindi ko alam kung iiyak o tatawa ako. Waahhh, nababaliw na ako. Kasalanan mo ito yabang! Halos lahat ng ito ay sayo ko pa lang nararanasan. Teka, hindi kaya mahal ko na siya kaya ko ito nararamdaman? Kasi lahat ng ito ay bago pa lang sakin. Hindi naman ako ganito noon.

"Ang layo naman ng iniisip mo" napabalik ako sa sarili ng marinig ko ang boses ni mike.

"A-Ah, iniisip ko lang kung paano ako papasa, hehe" palusot ko.

"Ahm, zy. Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nagpapatawa ka ba? Eh, nag-uusap na tayo"

"Zy, dun sa walang katao-tao" Ewan ko pero kinabahan ako sa sinabi niya. Pero, Syempre kaibigan ko siya kaya inalis ko ang kaba sa dibdib ko.

Pumunta kami sa likod ng building. Dito lang kasi ang walang katao-tao. Tahimik din dito kaya walang pumupuntang tao dito.

"Ano nga pa lang pag-uusapan natin?" Tanong ko agad at sumandal sa pader.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now