Chapter 22: Dean Office

1.1K 35 0
                                    

Zyra POV

"Grabe, galing niyo dun, ah" sabi ni mike. Nandito nga pala kami sa cafeteria. Lunch break na kasi.

"Ako lang ang magaling" sabay kain ko.

"Anong ikaw lang? Baka gusto mong ingudngud kita diyan sa kinakain----hehe, oo nga ang galing kaya ni zyra" biglang sabi niya ng samaan ko siya ng tingin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may mag-text.

From: ninja

I'm here na.

To: ninja

Wait me in 10 minutes.

Nang makatayo ako may lumapit na isang estudyante samin.

"Ms. Vic. Nasa CIS na po si dean Carl. Hinihintay na po kayo" tumango na lang ako bago siya umalis.

"Bakit ka pinapapunta sa CIS ni dean Carl?" Takang tanong ni jonna sakin.

"I don't know. Maybe miss niya na ako, haha" napangiwi sila sa sinabi ko.

"Gusto mo samahan na kita?" Tanong ni mike na kinangiting ilingan ko.

"Hindi na. Kaya ko na toh"

Kung ano man kailangan mo saakin dean siguraduhin mong magugustuhan ko.

---

"....Oo, ganun ang gawin niyo" sabi ko kay ninja.

"Sige. Umalis ka na" tumango na lang ako at umalis na.

Nang makarating ako sa CIS. Parang dumoble ang kaba ko. Bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob ng CIS.

Parang dito nangyari ang world war II. Sobrang gulo ng paligid. Ang layo na nito sa dating napaka-gandang CIS na pinapasukan ko noon.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si dean Carl. Nasaan na kasi yung matandang yun? Wala na ring katao-tao dito at sobrang tahimik ng paligid na sa sobrang tahimik pati pintid ng puso mo maririnig mo na. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Dean Carl?? Nasaan ho kayo? Nandito na ho ako" sigaw ko at nacreepyhan ako ng nag-eco ang boses ko. "Dean, nasaan na-----waahh" sigaw ko ng mahulog ako sa butas.

Hinimas ko ang butt ko ng ang sakit. Butt na una, eh. Napatingin ako sa paligid at sobrang dilim pero dahil tanghali pa lang may nagbibigay ng konting liwanag dito.

Tumayo ako at napakunot noo ako ng bakal lahat ng gamit dito. Parang hindi siya naapektuhan ng pagsabog ng bomba. Pati dingding kulay silver. Baka makita ko pa ang sarili ko dito.

Naglakad ako sa isang pathway. Kailan pa may pathway dito? At dahil na-curious ako naglakad pa ako.

Mas lalo akong napakunot noo ng may makita akong silver na pinto. Binuksan ko iyon ng dahan-dahan bago ako sumilip sa loob.

At nanlaki ang mata ko ng isa itong laboratory club. Pumasok ako sa loob at doon ako nagulat ng ang daming mga poison. Kailan pa may gumagawa ng gamot dito sa ilalim ng eskwelahan?

Iba't-ibang kulay ang mga liquid na pinanhahalo sa gagawin nila.

Luminga-linga ako sa paligid kung may tao pero wala naman. Tumingin ako sa ding-ding upang tignan kung may CCTV. Pero, nakahinga ako ng maluwag ng wala.

Maingat kong binuksan ang cabinet at may nakita akong black folder. Kinuha iyon at mabilis kong tinago sa bag ko. Luminga-linga ulit ako sa paligid bago ako lumabas sa laboratory club. Habang nag-lalakad ako may nakita akong hagdan papataas kaya madali akong umakyat sa taas.

Nang maka-akyat ako napahawak ako sa tuhod ko at naghabol ng hininga. Grabe, ang taas pala nun. Siguro mga fifth floor. Tumingin ako sa paligid at mas lalo akong napakunot noo ng dito nakatayo ang office ni dean Carl noon.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Donde viven las historias. Descúbrelo ahora