Chapter 57: Meet Aile

1K 36 0
                                    

Zyra POV

"Good morning" bati ko kay thea ng maka-pasok ako sa kusina.

"Good morning" bati rin niya. "Bakit pala wala ka kahapon?"

"Ah, may inasikaso lang ako"

"I see" ikling sabi niya. "Ahm, zy.."

"Mm?"

"Zy, m-mapapatawad mo p-pa kaya sila k-kuya?" Utal-utal niyang sabi. Natigilan ako sa tinanong niya. Sa ngayon hindi ko pa alam. Kasi ang dami-dami ko ng problema.

"Ewan. Hindi ko pa masasagot yan"

"Ayos lang naiintindihan kita" tumango na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

---

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong kay yabang. Pagkapasok ko kasi sa condo siya agad ang bumungad sakin. Nagtataka ako kasi pormang-porma siya. Saan lakad nito?

"Babe, date tayo" ngiti niyang sabi at inakbayan ako.

"Ah, anong oras na----"

"Bakit? Maaga pa lang naman. Dinner date na natin toh" napangiwi ako sa sinabi niya. May point naman siya.

"Okay. Magbibihis lang ako"

"Huwag na!"

"Anong huwag na! Gusto mo batukan kita?!"

"Eh, kasi kanina pa ako nag-aantay sayo"

"Shunga ka rin, eh noh? Edi, sana tinext mo ako para maaga akong umuwi"

"Ayokong masayang load ko"

"Yabang-yabang nagtitipid ng load. Tabi!" Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil wala na siyang magawa.

Tulad ng sabi ko kay yabang nagbihis muna ako. White dress at silver 2 inches high heels lang ang sinuot ko. Kinulot ko rin ang buhok ko. Then, done.

Lumabas na ako ng kwarto baka naiinip na si yabang. Maswerte siya dahil hindi ako nagma-make up kaya hindi ako natagalan.

"Hindi uso kolorete sayo, noh?" Tanong niya ng makalapit ako sa kaniya.

"Maganda na ako kaya hindi ko na kailangan iyon"

"Kaya pala ang hangin dito"

"Nahiya ako sayo, ah!"

"Aba, dapat lang!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo. Dapat gumagalang ka sa mga gwapong katulad ko"

"Aba! Eh, ikaw itong mahangin. Mayabang na mahangin"

"May balak pa ba kayong magdate, ah?!" Sermon samin ni zana.

"Tanong mo si luis kung may balak pa kayong mag-date" sabi ko at hinila na si yabang papalabas ng condo.

"Bakit ka umiiyak kahapon?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"May napaniginipan lang"

"So, anong napaginipan mo?"

"Napaginipan ko ang nakaraan ko"

"Ah? Nagka-amnesia ka ba?"

"Haha, maybe"

"Seryoso. Saan ka pumupunta?" Seryosong tanong niya. Napa-dungaw naman ako sa bintana.

"Kung saan. Maayos ang lahat"

"Ah?"

"Look, zyzeir. Sa ngayon nakakalito pa. Pero, don't worry pag maayos na ang lahat. Sasabihin ko na sa iyo. Basta sa ngayon. Huwag ka munang makisalamuha sa hindi mo kilala. Huwag ka munang makipag-chika kahit kanino. Except Syempre saming mga kakilala mo talaga" nagtaka naman siya sa sinabi ko pero tumango din naman siya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now