Chapter 50: Carnival

1K 33 0
                                    

Zyra POV

"Ikaw. Bakit ka tumatawa mag-isa?!"

"K-Kasi---trip ko. Bakit ba?"

"Sabihin mo nga sakin. Nababaliw ka na ba?" Maybe? Argh.

"Hindi noh. Tsk"

"Sa lagay na yan? Hindi?"

"Hindi. Ikaw? Sa lagay na ba yan----"

"Bakit? Concern ka ba?" Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi rin ako makapagsalita kasi ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Shit, I'm speechless. Damn, this guy!

Hindi na ako nagsalita bagkus nanood na lang ako ng laro kasi nagsimula na.

"Woooahhhh, ang galing-galing niyo" cheer ko kasi lagi silang nakaka-slunk dunk.

"Sa kanila todo cheer ka samin hindi!" Angal nila lance. Na kina-peace sign ko.

"Eh, hindi niyo din lang maririnig kasi napaka-ingay"

"Hindi man namin marinig makikita naman namin sa bibig mo na chinecheer mo kami" sagot ni brix na sinang-ayunan nila.

"Hayaan niyo! Next time!"

"At dahil sa ginawa mo! Sa susunod kailangan mong gumawa ng banner sabay cheer samin. Right guys?" Nagsisang-ayun sila sa sinabi ni yabang na kinanganga ko ng literal. Aba! Ang unfair! Hindi naman nila ako chineer nun, ah! Mm.

*PPRRRTTTTT*

Pumito ang referee at sinabing break. Tumingin ako sa black board kung saan naka-lagay ang score ISI-15. G.U-14. Shemay, isa lang pagitan.

Gagaling naman nila! Nahiya naman yung bola, hahaha.

"Oh" sabay bigay ko ng bag nila. Nandoon kasi ang towel nila.

"Diba, sinabi kong ilabas mo na?" Angal nila kaya naka-tikim sila ng batok sakin na kinatawa nila.

"Wala kayong sinabi. Kakapal niyo! Ako na nga nagbuhat!"

"Huwag kang mag-alala dahil masarap ang handa" ngumisi na lang ako at tinapik sila sa balikat.

"Kaya niyo yan. Ang mananalo ay siyang may premyo sakin" natuwa naman sila.

"Anong premyo?"

"Isang candy" natawa ako ng malakas ng ngumiwi sila. Hawak-hawak ko na ang tiyan ko kakatawa. "What? At least may premyo, hahaha"

"Tsk, salamat sa candy, ah? Mukhang mas mahal pa yung pagkain na hinanda namin kesa sa premyo namin!" Natawa ako lalo ng sabihin nila iyon.

"Bakit? Masarap naman ang candy, ah! Sweet yun kaya ang meaning nun sakin sweet ako sa inyo"

"Na-touch kami kaso sa candy? Naah, no thanks" napasandal na ako kay zana kakatawa.

"Hahaha, good luck na lang. Galingan niyo. Kung matalo man bawi na lang next time" sabay high five sa kanila.

"Nakita niyo ba si miss vic?" Agad akong nagtago sa likod ni yabang ng marinig ko ang boses ni sir tanda. Ginagawa nito dito? Hindi ba talaga niya ako tatantanan?!

"Ahm, sir. May pinuntahan po si zyra" sagot ni lance.

"Ah? Saan ba? Susunduin ko na siya"

"Ah, hindi po namin alam. Ang alam po namin nakipag-date siya" sagot naman ni Fred. Bwiset kang nilalang ka.

"Ah? May boyfriend si miss vic?"

"Wa------"

"Meron po" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni xylorh. "Siya po" mas lalong nanlaki ang mata ko ng ituro niya si yabang.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now