Chapter 45: Winnie

973 32 0
                                    

Zyra POV

Nagpalakpakan kami dahil doon. Umayos naman na kami ng ipa-ikot na ni xylorh ang bote. Nagsingisi kami ng si ashero ang naituro.

"Truth or dare?" Tanong ni xylorh sa kaniya.

"Dare" ngising sabi ni ashero habang nakatingin sakin. Hindi ko alam pero natawa ako. Mukha kasi siyang tanga doon.

"Tawagin mo ang babaeng iyon" Napatingin kami sa tinuro ni xylorh at nakita namin ang isang babaeng naka-upo sa tabi ng dagat. Mukhang nag-iisa lang siya. Hindi ko alam pero parang umiiyak atah siya.

Napa-kunot ang noo ko ng namumukhaan ko ang babae. Winnie?

"Si Winnie ba yun?" Mahinang bulong ko na kinakunot noo nila lalo na si brix. "Oo nga! Si Winnie"

"Ginagawa niya diyan?" Tanong ni zana.

"Diba, siya yung tinulungan niyo sa sunog?" Napatango ako sa sinabi ni luis.

Nagulat kami ng may limang lalaki ang lumapit kay winnie.

"LAYUAN NIYO AKO, HUHUHU" umiiyak na sigaw ni winnie. Gabi na rin kasi ngayon kaya konti na lang ang tao dito sa labas.

"Sige na, miss. Isa lang. Katuwaan lang namin" sabi ni boy 1. Nakita ko naman na napayukom ang kamao ni brix dahil dun.

"Brix" mahinang bulong ko sa tenga niya ng akma siyang lalapit doon. "Kumalma ka lang. Dahil hindi kalaunan susugod din tayo. Pag susugod ka kasi agad tayo ang kikitaan ng mali. Kaya intayin na muna nating hawakan nila si winnie bago tayo sumugod" alam ko namang may gusto siya kay winnie kasi umamin siya noon sa cafeteria. Para na-like at first siya kay winnie nun. Napabuga naman siya ng hangin at tumango habang nakatingin pa rin kila winnie.

"May punto si Couz kaya wait na lang-----"

"Ngayon na!" Putol ko agad sa sinasabi ni zana napanguso naman siya dahil doon. Nakita ko kasing pilit na nilang hinahawakan si winnie.

"Winnie" sabi nila brix ng makalapit kami sa kanila. Luhaang tumingin samin si winnie. Napakunot noo naman ang limang lalaki ng makita kami.

"Sino naman kayo?" Iritang sabi ni boy 2. Ngumisi naman ako.

"Nakakita ka na ba ng lumilipad na kamao? O kaya sumisipang paa?"

"Gusto mo bang i-try ko sayo yun miss?"

"Then, go. Manonood ako"

"Aba, mayabang ka, ah. Ano bang pinag-mamalaki mo? Yang mga kasama mo? Hahaha. Eh mga buto-buto lang naman yan, eh" sagot ni boy 4 kaya nagtawanan sila. Pati ako nakisali na kinakunot noo nila.

"Hahahaha, sarili ko ho ang pinag-mamalaki ko, hahaha" tinignan nila ang kabuoan ko pagkatapos nagkatinginan silang lima at natawa.

"Hahahaha, miss. Huwag ka na ngang mag-matapang. Halika na nga dito. Ikaw na ang napili ko" sagot ni boy 5. Natawa ulit tuloy ako.

"Talaga?" Malambing sabi ko na kinatango-tango niya. "Ano gagawin niyo sakin?"

"Baliw ka na ba?" Inis na bulong sakin ng mga kasama ko. Ngumisi ako at tumango.

"Papaligayahin namin ang gabi mo" sagot ni boy 1.

"Ow, I like it. But kayong lima lang ba? Wala na ba kayong ibang kasama?" Kunwaring naghahanap pa ako.

"Meron pa miss" tumingin siya sa likod nila. "Lumapit nga kayong lahat dito" at nagsilapit nga silang lahat sa gilid ng lima. Siguro mga nasa 30+ na silang lahat ngayon.

Nakangiti akong tumingin sa mga kaibigan ko.

"Gumilid ang hindi marunong" sabi ko na kinakunot noo nila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon