Chapter 59: Te Amo

1.1K 41 0
                                    

Zyra POV

"Sa tingin mo maganda ka. Paano sa paningin namin?" Tanong ng babae na kinahiyaw namin except kay yabang na walang ekspresyon.

"Hindi ko na problema kung ano paningin niyo sakin. Isa lang ibig sabihin niyan pumunta kayo sa EO baka kasi nanlalabo na mata niyo---ops, may pambayad ba kayo?! Baka wala! Kawawa naman kayo" sabay takip ni Natasha ng bibig.

"Hindi kami makaka-pasok dito kung mahirap kami, stupid" sabay irap niya na kinangisi ko. Maganda naman tong babae kaya may maibubuga talaga.

"Ibang klase" bulong ni yuan kaya siniko ko siya.

"Type mo na?"

"What?!"

"Oh, bakit? Maganda naman siya at palaban. Sa tingin ko din mabait siya. Sadyang kailangan niya lang gumanyan kasi inaaway siya ni Natasha"

"Tsk, no thanks. She's not my type"

"Psh, sabi mo eh. Pag-ikaw nagka-gusto sa kaniya------"

"Hindi yan mangyayari noh"

"Ah! Asa! Yan din sinabi ko noon kay zyzeir! Pero, ano nangyari? Nagkagusto ako sa kaniya!"

"Magka-iba yun, okay?"

"Tsk, whatever. Pinuri mo nga siya ng----"

"Hindi ka titigil? Baka gusto mong lagyan pa kita ng tape sa bibig----"

"Ashu, Shu, Shu! Tumahimik ka na" napanganga siya habang ako ay ngingisi-ngising tumingin kila Natasha.

"Mas ibang klase ka pa noh?" Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Oo, bakit?" Natawa na ako ng mapanganga siya lalo. Tsk, yuan!

"Bro, bakit mo ba ito nagustuhan?" Tanong niya kay yabang habang naka-turo sakin. Napataas naman ang kilay ni yabang.

"Hindi ko rin alam, eh. Baka ginayuma ako?" Hinampas ko nga siya sa braso na kinatawa niya ng mahina. Kahit kailan!

"Huy, bakit mo siya ginayuma----hehe, try lang" akma ko kasing babatukan siya ng sabihin niya iyon buti na lang binawi niya agad. (^̮^)

"Ah? Talaga? Look at you. Walang-wala ka sakin" turo ng babae kay natasha.

"Ow, kung walang-wala ako sayo bakit di hamak na mas maganda ako kesa sayo?"

"Marunong ka bang tumingin ng maganda? Kung marunong ka. Baka sarili mo nilalait mo na ngayon" napa-woah naman kami except ulit kay yabang na halatang naboboring na. Hehe, mamaya ka na manermon!

"Lagi akong pinupuri ng lahat-----"

"Huwag mong sabihing lahat dahil ako hindi ka pinuri. Kaya huwag mong lahatin, ah?"

"Hindi ka tao kaya naiintindihan ko kung bakit hindi ka nang-pupuri"

"Eh, ikaw pala ang sira, eh. Pa-EO mo yang mata mo, ah?? Malabo na---sobrang labo na atah" natawa ako sa sinabi niya. Grabe, walang masabi si natasha.

"Umalis na nga kayo dito! Mga squatters"

"Tsk, wala akong masabi sa katangahan mo" ngumisi ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang ako naka-panood ng ganito.

Babae ding palaban. Hmm, bihira na lang yan ngayon. Mga tao kasi ngayon puro takot na at mahiyahin.

"That's the way you treat them. Ms. Dan?" Malamig na sabi ni yabang kay natasha na agad nagulat. Dahan-dahan siyang lumingon kay yabang.

"N-No, O-Of course not" utal-utal na sabi ni natasha kaya natahimik ang lahat.

"Really? I see everything, Ms. Dan"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now