Chapter 1: Tingin

9.2K 114 0
                                    

Zyra POV

"Zyra, tulala ka na naman" sabi ni lance. Best friend ko.

"Ah? Hindi ah" sabay upo ng maayos. "Iniisip ko lang kung ano magiging itsura mo bukas, hahahaha" nag-pout naman siya.

Bukas na kasi siya aamin sa crush niya. Sa ibang school nag-aaral yung crush niya. Pero malapit lang naman yun dito sa campus. Parang kapatid na ng school namin yung school nila.

"Sige, mangasar ka pa"

"Psh, aamin ka lang naman na crush mo siya. Tapos kung mahiya ka kala mo mahal mo na yung tao" sabay inom ko ng juice. By the way, nandito kami sa cafeteria dahil lunch break namin.

"Tsk, pareho lang yun noh" angal niya pa. "Ang sabihin mo bitter ka"

"Tantanan mo nga ako"

"Tignan mo! Pikon ka"

"Sige, mangano ka pa! Pag ikaw napa-hiya bukas..." Nginisian ko siya na kinasimangot niya. Apat na buwan niya ng crush yung taong yun.

At dahil binara ko siya kahapon. Nag-promise siya na aamin na siya. Siya yung taong torpe. Yass hindi ko ini-expect na mag-kakaroon ako ng torpeng kaibigan.

"Nahiya naman ako sayo" tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.

"At bakit??"

"Hanggang ngayon nag-day-daydream pa rin sa crush mo na hanggang ngayon hindi ka pa rin pina-----"

"Tumahimik ka nga!!!!!" Sigaw ko kaya napa-tingin samin ang ibang estudyante. Habang ang bwiset naman na toh tinawanan ako.

Pagkatapos naming mag-lunch. Bumalik na kami sa room. As usual busy sila. Lagi na lang silang may sari-sariling mundo.

"Zy, kailan ka kaya papansinin ng---"

"Tumahimik ka kung ayaw mong maka-kita ng star sa ulo mo" banta ko ng maka-upo kami. Pero ang gago tinawanan lang ulit ako.

Hindi ko na siya pinansin bagkus nakinig na lang ako kay miss na kaka-pasok pa lang nag-dada na agad.

"Pst" taas kilay kong tinignan si lance na nasa tabi ko. "Punta tayong mall mamaya"

"Tsk, may gagawin pa ako---"

"Treat ko"

"O, Sige ba. Maya"

"Tsk" tinawanan ko lang siya at nag-sulat na ulit.

Pagkatapos ng klase tulad ng usapan pumunta nga kami sa mall ni lance. Kanina ko pa siya tinatanong kung ano kukunin namin at lagi naman niyang sinasabi na 'basta' psh.

"Tumahimik ka muna kasi diyan" angal niya. Umirap na lang ako sa kaniya at uminom ng kape. Nandito nga pala kami sa Starbuck.

Kung mag-kakape lang pala kami sana sinabi niya agad.

"Andiyan na siya" sabay upo niya ng maayos sabay pasulyap-sulyap sa likod ko.

Tinaasan ko muna siya ng kilay bago nilingon yung tinitignan niya.

Napangiwi ako ng makita kung sino yun. Yung crush niya kasama ang dalawa niyang kaibigan.

Humarap ulit ako kay lance at tinapik yung kamay niya na kinasama niya ng tingin sakin.

"Inaya mo ko dito sa mall para tignan lang siya?" Napa-iling ako ng tumango siya. "The heck"

"Toh, naman"

Tinignan ko ulit yung crush niya na si kc. Tsk, ano ba nagustuhan nila diyan? Maganda lang naman yan eh pero mas maganda ako. Yung lang nakikita ko sa kaniya. Bukod sa maganda siya ang clingy niya pa. Judgmental ko. Huwag tularan.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now