Chapter 12: Doc Vin

1.6K 38 1
                                    

Zyra POV

Pagka-uwi ko sa condo sumalpak agad ako sa sofa sa sobrang pagod. Tumingin ako sa orasan 8:30pm na.

"Oh, mabuti nandiyan ka na. May pagkain diyan sa kusina. Mag-dinner ka na" sabi ni zana habang naka-tutok sa laptop niya. May nire-research siguro.

Pumunta nga ako sa kusina at nakita ang pagkain. Ni-ready ko muna ang gatas ko bago ako nagsimulang kumain.

"Kamusta pala ang first day mo?" Tanong niya.

"Ayos lang naman. Madali lang naman"

"Babad kaya yang kamay mo sa tubig"

"Hindi ah. May gloves naman"

"Kahit na"

"Whatever, zana"

"Kung umuwi ka na kasi sa inyo. Edi, sana hindi ka na namomoblema sa pera at sa gastusin mo"

"Nagsisimula ka na naman, zana. Akala mo ba ganun kadali yun? Hindi. Hindi mo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko. Kung paulit-ulit mo ring lang yan itatanong pwes manahimik ka na lang. Dahil ako napapagod na akong mag-isip. Kung ano na gagawin ko kinabukasan. Pagod na ako sa mga tanong mong yan, zana. Kaya please lang tumahimik ka na lang muna kasi nag-iisip ako kung paano ko ito masosolutionan" mahabang sabi ko. Kita ko naman na nagulat siya at natigilan. Nakakainis na kasi, eh. Akala niya ba madali ito?

"Sorry" sabay back hug niya sakin. "Sorry, kung naging harsh ako. Sorry kasi makulit ako. Promise hindi na kita kukulitin diyan" tumango na lang ako.

"Okay lang. Mag-aral ka na ulit" tumango na lang siya bago bumalik doon.

Pagkatapos kong kumain pumunta na ako sa kwarto ko at agad akong dumeretso sa banyo para maligo at magbihis.

Nang matapos humilata na ako sa kama at tumitig sa kisame.

Siguro masaya ka na diyan sa nililigawan mo kaya sa ngayon hahayaan na muna kita. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko.

Napangiti ako ng may mag-flashback sa isip ko. Isang bagay na hindi ko makakalimutan.

*Flashback*

"Truth or dare?" Tanong ni luis saakin kasi ako ang naituro ng bottle.

Nandito nga pala kami sa bar. Birthday kasi ni luis. Tapos na rin ang party niya kanina kaya dumeretso kami rito.

"Hmm, dare!" Napangisi naman siya ng malaki kaya kinabahan ako. Kasi alam kong may kalokohan siyang naiisip pag-ganiyan.

"I-kiss mo si lorh sa pisngi" naghiyawan naman ang mga kaibigan namin sa sinabi niya. Habang ako ang lakas na ng tibok ng puso ko.

Tumingin ako kay Xylorh na nakatingin na pala sakin ng seryoso. Hindi rin siguro ine-expect na yun ang ida-dare ng kaibigan.

"Sige na. Gawin mo na, zy" pagche-cheer ni zana.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now