Chapter 28: Champion

1.1K 30 1
                                    

Zyra POV

Nang magsimula na ang laro naging seryoso na ang lahat. Habang ako ay cool lang na nanood habang kumakain pa.

"Waaahhhh, zyra. Nandito ka" sabay yakap sakin ni ashley kaya muntik na akong nabulunan.

"Ano ba, ashley. Alam mong kumakain siya, eh" sita sa kaniya ni wayne kaya nahihiyang kumalas si ashley sakin.

"Hehehe, sorry. Namiss kasi kita. Ano pa lang ginagawa mo dito?"

"Nanonood ng laro nila Bryant"

"Kilala mo si antipatiko este Bryant?" Gulat na sabi niya pa. Natawa naman ako ng sabihin niyang antipatiko si Bryant. Antipatiko pala, ah.

"Oo naman. Kaibigan ko rin yun, eh"

"Wahhh, bakit mo kaibigan ang antipatiko na yun?"

"Hindi ko din alam. Paano niyo pala siya nakilala?"

"Ang antipatiko lang naman na yun ang 'HARI DAW DITO'" sabay irap ni ashley na kinatawa ko.

"Huy, huwag ka ngang ganiyan. Sabi nga nila the more you hate. The more you love" pang-aasar ni deo na kinatawa namin habang siya ay ngumuso.

The more you hate. The more you love, nga ba?! Tsk, hindi ako naniniwala diyan.

Maisip ko pa lang na magiging kami ni yabang nandidiri na ako. Teka nga! Bat ko ba siya iniisip? Argh.

"Cheer mo kaya si Mr. Right mo" natatawang asar namin ni mish sa kaniya na kinanganga niya.

"Mr. Right ko? Yuck. Kadiri kayo, sis"

"Huy, huwag kang ganiyan. Baka kapag kayo talaga nagkatuluyan. Tatawanan kita" asar ko pa at tumingin na ulit sa gitna. "Gooo, Bryant!!! Ang galing-galing mo. Kaya magpakain ka na!!!!" Sigaw ko ng maka-three points siya. At dahil sa sinigaw ko nagtawanan lahat ng nandidito. Pati mga coach natawa.

Tumingin siya sakin at kumindat na kinadiri ko kaya natawa siya pati na rin sina Frey.

"Close na close talaga kayo, ano?" Sabi ni wayne sakin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Yeah, katulad sa inyo. Close na close" ngumisi ako. "Nagseselos ka ba, ah? Ah? Ah?" Sabay sundot-sundot sa tagiliran niya kaya mabilis niyang hinuli ang kamay ko.

"Paano kung sabihin kong, oo?"

"Aba, huwag ka ngang mag-selos" sabay akbay ko sa kaniya. "Huwag kang mag-selos kasi pantay-pantay lang ang tingin ko sa inyo. Walang labis. Walang kulang"

"Gusto ko sakin labis----aray" binatukan ko nga siya ng mahina.

"Loko ka talaga-----YEAHH ANG GALING MO TALAGA!!" Biglang sigaw ko ng mag-slunk dunk si Bryant. "Bakit hindi ka sumali ng basketball?" Tanong ko kay wayne.

"Kasali kaya ako"

"Ay? Oh? Bakit hindi ka nakikipag-competition ngayon?"

"Masakit paa ko, eh" napatingin ako sa paa niyang may benda pala. Kawawa naman pala ang loko.

"Makakasama ka pa ba sa sports festival?"

"Oo naman, noh!"

"Hehe, papanoorin kita"

"Dapat lang. Tsaka, Kailan ka ba ulit bibisita sa bahay?"

"Hmm, hindi ko pa alam, eh. Sa ngayon kasi busy pa ako. Pero, huwag kang mag-alala dahil pupunta ako pag-hindi ako busy"

"Promise?"

"Mmm, promise" nanlaki ang mata ko ng makitang tapos na ang laro at mas lalo akong nagulat ng panalo sila Bryant. Sabi ko na eh. May handaan na masarap na naman, hehe. "Waahhh, congratulations! Sabi ko na, eh! Kayo panalo!" Sabay high-five sa kanila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now