Chapter 42: Salamat Yabang

1K 37 0
                                    

Zyra POV

Habang nagdri-drive si brix papunta sa resort nila yabang nakatulala lang ako sa kawalan. Masaya akong nasabi ko na ang dapat kong sabihin kay shadow. Masaya akong naiintindihan niya ako. Masaya ako kasi unti-unti niya ng tinatanggap na hindi kami ang para sa isa't-isa.

Napabalik lang ako sa sarili ng may sumandal na ulo sa balikat ko. Pag tingin ko. Si yabang na tulog.

Hinayaan ko na lang siya baka pag pinatulan ko pa at ginising ko pa. Kawawa na naman ako sa kayabangan niya.

Tumingin na lang ako sa mga nadadaanan namin hanggang sa maka-tulugan ko ito.

---

"Couz, wake up. We are already here" nagising ako ng marinig ko ang sinabi ni zana.

Nang magmulat ako ng mata. Nakahinto na pala ang van at kaming dalawa na lang pala ang tao dito sa loob ng van.

"Ayusin mo na yung sarili mo. Andito na tayo" sabi ni zana bago bumaba.

Nag-suklay at nag-polbo lang ako bago bumaba. At ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang view. Ang ganda! Ang ganda-ganda dito. Hindi ko inaasahan na may ganitong kagandang lugar sa laguna. Napaka-luwang ng paligid at maliwalas.

Yung buhangin din ay puting-puti. Lahat din ng cottage bagong pintura. Marami ding turista. Waahhh, hindi ko pinagsisisihang sumama ako.

---

Bali dalawang unit lang ang kinuha namin. Maluwang at marami namang kwarto ang bawat unit kaya tama lang ito para samin.

Pumasok ako sa magiging kwarto ko para mag-ayos ng gamit. Grabe, gusto ko ng manirahan dito habang buhay, char. Pag naalala kong sila yabang ang may ari nito nagdadalawang isip akong dumito habang buhay, haha. Habang nag-aayos ako ng gamit biglang pumasok si zana dito.

"Ang ganda-ganda dito" sabay higa niya sa kama.

"Yeah, you're right. By the way. Akala ko ba sa resort nila xylorh? Bakit bigla nag-bago isip mo?"

"Actually, couz si luis ang nagsabi na dito na lang daw sa resort nila kaizer namin icelebrate ang anniversary namin" napatango na lang ako at pinag-patuloy ang pinag-gagawa ko. "Couz, bilisan mo diyan dahil ipapasyal tayo ni kaizer dito sa buong resort nila"

"Yeah?" Parang gusto ko tuloy bagalan ang ginagawa ko. Bakit si yabang pa ang magpapasyal samin? Pwede namang tour guide. Sabagay, sila nga pala ang may-ari.

Baka choice na naman ni luis kaya wala akong magagawa kundi ang sumama at sumunod sa kung ano mang-desisyon nila. Desisyon kasi nila kung anong masasarap na pagkain kaya okay na yun.

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na kami sa kwarto. Nadatnan naman namin sa sala sina yabang. Akala ko ba sa kabilang unit sila? Bakit andito toh? Tsk, baka nagbago ang isip. You know si yabang yan. May pagka-bipolar.

Tulad ng sabi ni zana ipinasyal nga kami ni yabang sa buong resort nila. Hindi namin maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng lugar na ito. Syempre, nagpicture-picture ako mga tanawin ang ganda-ganda kasi.

Nang makarating kami sa falls mas lalo kaming namangha sa sobrang ganda. Kita kasi dito ang buong resort. Napaka-luwang at ganda nga talaga dito. Gusto sana nilang maligo kaso wala silang dalang damit kaya napag-pasyahan nilang sa susunod na lang. Waahhh, may susunod pa? Excited na naman ako, hahaha.

Nang mapagod kami dumeretso na kami sa isang resto. Gutom na kasi kami. Halos manghina na kami sa gutom. At halos tumalon ako sa tuwa ng ang daming pagkain. Akala mo fiesta ngayon sa sobrang dami. Waahhh, hindi ko pinag-sisisihang umabsent at sumama dito.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now