Chapter 66: Good Mood

1K 33 0
                                    

Zyra POV

Humiga agad ako sa kama dahil na rin siguro sa pagod. Pagod na pagod ako ngayong araw. Hinatid ko kasi si yabang sa bahay nila. Kawawa naman ang yabang na yun. Walang kasama bukod sa katulong.

Gusto ko pa sanang kausapin si zana pero alam kong pagod rin siya kaya hindi na. Baka bungangaan na naman ako nun. Tumagilid ako at nag-isip.

Naaawa rin ako kay xylorh. Hindi ko alam na hindi pa siya nakaka-move on. Hayaan niya at mare-realize niya one day na si joy pala ang mahal niya at hindi na ako.

Naaawa rin ako kay yabang. Naaawa ako kasi hindi ko siya napagtutuonan ng pansin. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng bagay. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan. Ayaw kong mapahamak si yabang pero hindi ko siya nababantayan. Gusto kong sisihin yung sarili ko dahil hindi ko siya inuuna. Ayaw ko siyang mapahamak pero ako atah ang nagbibigay ng kapahamakan sa kaniya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko siya maalagaan ng buong araw. Kahit manlang sa hospital kanina. At least na ako ang umaasikaso sa kaniya. Sila zana ang umaasikaso. Napaka-walang kwenta kong girlfriend.

Napaluha ako at tumitig sa kisame. Karapat-dapat ba talaga ako para kay yabang? Paulit-ulit ko ng tinatanong ito sa sarili ko at naiinis na ako. Gusto kong tumigil sa trabaho o sa organization pero hindi pwede dahil napaka-importante ito sakin. Sorry, yabang. Napaka-rami ko ng atraso sayo.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"H-Hello?" Bungad ko at pinunasan ang luha.

"Babe?"

"Oh? B-Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Na-storbo ba kita? Bakit parang paos ka?"

"Inaantok na kasi ako, yabang!"

"Ganun ba?"

"Mmm, bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang marinig yung boses mo"

"Hindi ka pa nagsawa kanina?"

"Hinding-hindi ako magsasawa. By the way, bakit ang tahimik mo kanina? May problema ba?"

"A-Ah, wala naman. Pagod lang ako nun, yabang. Kaya ikaw huwag ng mag-alala"

"So, anong pinag-usapan niyo ni lorh?"

"Tungkol sayo kaya huwag ka ng mag-selos"

"Hindi naman ako nagseselos, ah!"

"Sus, huwag ka ng mag-sinungaling. Halata naman sayo kanina"

"Okay fine. Sa ngayon ikaw ang panalo"

"So, pinag-bibigyan mo lang ako?"

"Of course. Ganun dapat kapag gwapo. Pinag-bibigyan ang girlfriend niya"

"Ah, ganun! Sige, see you on Monday, ah----"

"Hehehe, ito naman hindi mabiro. I love you"

"I hate you----"

"What?"

"Sabi ko, I love you very much"

"Bakit mo sinabi yun?!"

"Kasi mahal kita"

"Hindi yun! Yung isa"

"Ah, yun ba? Sabi ko, hindi kita magiging hate forever"

"Pinag-loloko mo ba ako?"

"Bakit ba yan lagi sinasabi niyo?"

"Eh, kasi gwapo kami"

"Tsk, itulog mo na lang yan"

"Ano kamo?"

"Good night, babe. I love you very much"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now