Chapter 4: Sleep

2.7K 52 0
                                    

Zyra POV

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ko kay zana ng makarating ako sa condo. Bihis na bihis kasi ang gaga.

"Ah, uuwi ako" sabay pabango niya. "Gusto mo sumama?"

"Naah, no thanks" Umupo ako sa sofa at tinignan siya.

"Sige ka. Maboboring ka dito" angil niya pa.

"Zana, kahit kailan boring na ang buhay ko"

"Simula ng mawala siya?"

"Simula ng lumaki ka"

"At bakit napunta sakin?" Naka-pamewang niyang sabi sakin.

"Kasi mas maganda ako sayo"

"What?!" Tinawanan ko na lang siya at pumunta na sa kwarto ko.

Lagi na lang kaming ganito ni zana pero kahit ganun masaya pa rin kami kasi biro lang naman yun. Pumasok ako sa banyo para maligo at mag-bihis. Feeling ko pag-uwi ko galing school mukha akong losyang pag-nandito na ako sa condo.

Pagkatapos kong maligo at mag-bihis lumabas na ako ng banyo at umupo sa kama. Sakto din na tumunog yung cellphone ko. Pag-tingin ko si euna.

"Oh? Miss me?" Bungad ko agad. Natawa pa ako ng mahina ng bumuntong hininga siya.

"Yeah, I miss you"

"Ow, sorry. I didn't miss you"

"What?!!!!"

"Hahaha, just kidding. How's life?"

"Hays, ito bored pa rin. How about you?"

"Nag-tanong ka pa, ah?"

"Oh? Bakit? Malay mo hindi na boring life mo?"

"Tsk, whatever. Napatawag ka?"

"Yeah, gusto kang ka-usapin ni Patricia"

"Ah-----"

"Hi" boses na agad ni pat. Tsk, bakit niya binigay agad?

"Hm"

"Hindi na ako magpapa-ligoy-ligoy pa. Can we talk?"

"We already did"

"Please. At the mall"

"Sorry, but. I have a homework. Kaya next time na lang" sabay patay ko ng tawag.

Inis kong nilagay yung cellphone ko sa tabi ng lamp. Kaya ayaw kong sagutin yung tawag ni euna eh.

"Zyra, hindi ka na kakain?" Sigaw ni zana sa labas ng kwarto ko.

"Wala akong gana"

"Okay, aalis na ako"

"Hm, ingat"

Matapos yun humiga na ako sa kama at natulog. Kung mag-iisip pa ako ng malalim baka mapuyat ako.

Pagkagising ko bumangon agad ako dahil may tumatawag sa cellphone ko. Bwiset oh. Aga-aga pa.

"Oh?" Inis na sabi ko kay lance. Panira kahit kailan.

"Aba, aba, bumangon ka na diyan. Mala-late ka na"

"Tsk" tinignan ko yung relo sa dingding. "Oh, 6:50am pa lang naman"

"Lang naman? 7:30 ang pasok natin! Bilisan mo na diyan" sabay patay niya ng tawag. Abat! Argh.

At dahil wala rin naman na akong magagawa. Pumasok na ako sa banyo para maligo at mag-bihis ng uniform. As always nag-almusal muna ako. Pagkatapos kong maligo at mag-bihis pumunta na ako ng campus.

Nang makarating ako ng room nandito na si sir.

"Your late" masungit na sabi niya. Tumango na lang ako bago pumasok sa loob at umupo sa upuan ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now