Chapter 55: Ampon

1K 30 0
                                    

Zyra POV

"M-Mommy, D-Daddy, K-Kuya zaimon, *hik*" mabilis nila akong niyakap na mas lalo kong kinaiyak.

"A-Anak ko, huhu" iyak pa ring sabi ni mommy.

"Mommy, daddy, mga kuya. P-Patawarin niyo ako, huhuhuhu" kumalas sila sa yakap at hinawakan ni mommy ang pisngi ko.

"H-Huwag kang h-humingi ng tawad. Kami ang d-dapat humingi ng tawad, huhuhu"

"Hindi mommy. Kung hindi ako umalis edi sana hindi na tayo umabot sa-----"

"Ssshhh, anak ko. Kung hindi namin g-ginawa iyon baka hindi ka u-umalis *sniff*"

"My princess. Patawarin mo kami" mangiyak-ngiyak na ding sabi ni dad. Umiiyak akong tumango.

"P-Pinapatawad ko na kayo, mom, dad, mga kuya, *sniff*" nakangiti nila akong niyakap.

"Maraming salamat, anak ko/lil'sis" tumango ako at kumalas sa yakap.

"Tama na nga toh. Tama na ang drama" natatawa kong sabi kaya natawa rin sila. Sa wakas nawala na rin ang tinik sa lalamunan ko kaya nakakahinga na ako ng maluwag.

"Mas lalo kang gumanda, anak ko" sabay hawak ni mom sa pisngi ko.

"Syempre, kanino pa ba ako magmamana?"

"Sakin" sabi ni dad.

"No, sakin" angal ni mom at yun na nga pinag-tatalunan na nila kung kanino ako nag-mana. Nakakamiss yung ganito.

Tumingin ako kay zimon na nakangiti ng pilit sakin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Hindi ba siya masaya na naka-balik na ako?

Hindi ko na lang pinansin yun. Baka maging awkward pa kami.

"Nagugutom ka na ba anak ko?" Nakangiting sabi ni mom na kinailingan ko.

"Kumain na ho ako"

"Sigurado ka?" Tumango ako at umupo sa sofa.

"Hihintayin ko na lang ho kayong matapos"

"Sige, intayin mo kami, ah?" Ngumiti at tumango ako.

Nang maka-alis na silang apat tumingin ako sa mga maids at hardenero na nakatingin lang sakin.

"May gusto ba kayong sabihin?" Tanong ko na. Naiilang na kasi ako.

"Bakit hindi mo agad sinabing ikaw si zyra? Pinag-mukha mo pa kaming---"

"Nagtanong ba kayo?" Putol ko agad sa sinasabi ni leila. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Yaya soling" tawag ko kay Yaya. Grabe, miss na miss ko na siya. Nasaan na kaya siya? Gusto ko na siyang makita.

"Wala na po si soling dito" napakunot noo ako sa sinabi ng isang maid.

"Why? Nasaan siya?"

"Umalis na po siya dito" mas lalo akong napakunot sa sinabi niya.

"Bakit siya umalis?"

"Hindi po namin alam" sagot nung hardenero.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit umalis si yaya soling dito. Mahal na mahal niya ang trabaho niya dito. Yun ang sinabi niya sakin nun.

Pumunta ako sa dinning table at nakita ko silang kumakain doon.

"Mom, dad, mga kuya. Aalis na ho ako" paalam ko na kinakunot noo nila.

"Bakit ang bilis naman atah anak?" Tanong ni mom.

"May gagawin pa ho kasi ako. Gusto ko lang ho kasing makita kayo kaya ako pumunta dito"

"Ang sweet mo naman, my princess"

"Hehe, nothing change, dad. By the way, I have to go na" sabay kiss sa pisngi nila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now