Chapter 20: Hari ng delubyo

1.2K 38 0
                                    

Zyra POV

*Flashback*

Nagising ako ng puro puti ang nakikita ko. Patay na ba ako? Pero, bakit may nararamdaman akong bagay na naka-tusok sa kamay ko. Tinignan ko naman iyon at nakita ko ang dextrose.

Nasa hospital lang pala ako. Grabe, akala ko patay na ako. Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at nakita ko ang taong hindi ko inaasahan.

"A-anong ginawa mo dito?"

"Ows, look who's scared, haha"

"W-what do you want?!"

"Simple lang. Magpanggap kang wala kang naaalala. Parang kunwari nagka-amnesia ka at kung hindi mo gagawin yun papatayin ko ang manliligaw mo"

"Huwag mong gagalawin si Xylorh"

"Kung gagawin mo ang gusto ko hindi ko siya gagalawin" bwiset ka talaga.

Pasalamat ka nakaratay ako dito dahil kung hindi napatay na kita!

"Oo na! Gagawin ko na ang gusto mo. Huwag mo lang gagalawin ang mga mahal ko sa buhay"

"Yan, madali ka pa lang kausap. Makakaasa ka. For now you need rest bye" sabay alis niya na. At least na isipin iyon natulog ulit ako kasi sobrang sakit ng katawan ko.

Nagising ako ng may humawak sa kamay ko. Pag-tingin ko ay si Xylorh na gulat na gulat na nakatingin sakin.

"Z-zyra, gising ka na" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Masakit man pero kailangan kong gawin toh. "Thanks god gising ka na"

"S-sino ka?" Kita ko ang pagbagsak ng luha at balikat niya sa sinabi ko. Para ring may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon.

Sa totoo lang pigil na pigil ko na ang luha ko. Ang sakit-sakit na makita mo ang taong gusto mo na nasasaktan ngayon.

"Zyra, h-huwag ka namang mag-biro ng g-ganiyan" umiiyak niya ng sabi.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now