Kabanata 36.0: Rubics Cube

14.6K 399 50
                                    

When A Gay Fell Inloven With A Girl
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

**

Fear De Guzman
Mag-dadalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Ni hindi man lang niya ako ti-next o 'di kaya'y minessage sa facebook kung nasaan na siya ngayon, kung babalik pa ba siya o hindi na. Hindi n'ya ba alam sobrang nag-aalala na ako sa kanya? Hindi n'ya ba alam na hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sa kanya?

Minsan nga, natatangahan na ako sa sarili ko e. Iniwan n'ya kasi ako sa ere nang hindi alam ang dahilan kung bakit siya umalis. Oo, nakakatanga 'yun! Isip ako ng isip ng dahilan pero humahantong lang ako sa walang hanggang pagkalito.

Palaging sumasagi sa isip ko 'yung mga tanong na; Bakit siya umalis? Anong dahilan? Dahil ba sa akin? Kung hindi ako, e ano?

Lahat ng 'yun ay itinanong ko sa sarili ko, pati si Simsimi, dinamay ko pa.

Ako: Bakit umalis si Heaven?

Simsimi: Kasi hindi ka niya gusto.

Ako: Wow! Ansakit nun ah? Pano mo nasabi?

Simsimi: Kasi maganda ako.

Ako: Pshh. Anong konek?

Simsimi: Charger! I-konek mo sa ilong mo!

Ako: Tss. >_< Saan siya pumunta?

Simsimi: Sa Abu Dhabi, nag-abroad para matustusan ang gastos ng mga anak niyang si Peter, Junjun at Charlita.

Ako: Gaga! Lalake  'yung pano 'yun magkaka-anak?

Simsimi: Bumili siya ng MATRES sa kiapo!

Ako: Wow! Ang baliw mo naman.

Simsimi: Tss. Ang talino ko kaya! Ikaw 'yung baliw! Baliw kay Heaven!!

See? Pati si Simsimi na isang baliw na program sa internet ay kinakausap ko na! Nakakatanga talaga!

Pero sa kabila ng mga katanungan ko sa sarili ko, napapagtanto ko na lang na bakit ko ba siya iniisip? Ano ba kami? Wala naman ah? Huh! Nakakatanga talaga!

Nung umalis siya, hindi ko maintindihan ang mga sinabi n'ya. Iniwan n'ya akong may mga tanong sa isipan. Iniwan n'ya akong nagtataka.

May nararamdaman rin kaya siya sa'kin? Magkaibigan nga lang ba talaga kami?

'Yan ang mga tanong ko sa sarili ko ngayon. Mahirap tuldukan ang mga tanong na iyon kung alam kong nasa kanya ang sagot.

Pero, dahil wala siya, hindi ko magawang alamin ang mga sagot sa mga tanong na bumagabag sa isipan ko. Mahirap din kung ako lang ang sasagot. Baka mauwi lang ang lahat sa maling akala, tapos 'yung iniisip kong totoo ay mali pala.

Baka masaktan lang ako.

Mahirap na.

Nasa may gilid lang ako ng lobby ngayon, nakatayo at bitbit ang tatlong malalaking libro. Tahimik lang ako ngayon at nakatingin lang sa kawalan habang inilalaan ang pares ng mata sa malawak na ground ng university na binubugbog ng masaganang ulan.

Oo umuulan ngayon ng sobrang lakas pero kahit ganu'n ay rinig na rinig ko pa rin ang mga tawanan ng mga estudyante sa loob lobby. Gusto kong tumawa ngayon kagaya ng ginagawa nila pero hindi ko kaya. Pinilit kong ngumiti pero nauwi lang ito sa pagpatak ng isang masaganang luha, na nasundan ng isang pang luha, hanggang sa nasundan pa ng isa, hanggang sa dumami at hanggang sa hindi ko nakayanan at napasigaw na lang ako...

"HEAVEN!! NASAAN KA BA!!!? NAS'AN KA!?" Sa pagsigaw kong iyon ay biglang natahimik ang buong lobby. Bumakat ang pagsigaw ko sa bawat sulok ng lugar na ito. Malakas ang pagbagsak ng ulan sa bubong ngunit nagawa ko itong pataubin gamit ang boses ko. Natahimik ang lahat ngunit makalipas ang ilang sandali ay biglang napalitan ang katahimikang iyon ng mga bulong-bulongan.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now