Kabanata 38.0: Babalik ako

13.3K 392 40
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 38.0: Babalik ako

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

**

Third Person
"Ser!" Agad na napasigaw si Lukrecia nang makita n'ya ang kotse ng amo n'yang si Heaven na nasa gilid ng isang konkretong tulay. Ang mismong tulay na kung saan sinagip ni Fear si Heaven mula sa pagtatangkang tuldukan ang sarili nitong buhay.

Bakas ang pag-aalala sa pagsigaw ng personal maid, nag-aalala siya para sa amo n'ya. Nag-aalala siya para kay Heaven.

"Ser, boksan n'yu po!" tugon ni Lukrecia habang sinasampal ang sariling palad sa salamin ng kotse ni Heaven. Lalong nakaramdam si Lukrecia ng pag-aalala nang makita n'yang umiiyak ang amo n'ya sa loob ng kotse.

"Sir, umuwi na po tayo!" usal naman ng body guard na kasama ni Lukrecia.

Heaven remained silent inside his car. Tahimik niyang iniiyak ang lahat ng lungkot na nararamdaman niya. Si Fear, nang maalala niya itong dumantay sa balikat ng lalaking si Hell ay hindi n'ya mapigilan ang sarili n'ya  na mapaiyak.

"Huli na ba?" Iyan ang tanong ni Heaven sa sarili n'ya. Ang masaklap na katotohan ay paulit-ulit na sumasampal sa kanya. Huli na. Huli na siyang dumating.

"Ser!" Napasigaw si Lukrecia nang makita n'yang isinuntok ni Heaven ang sarili nitong kamao sa mismong windsheild ng sasakyan.  Biglang nabalisa si Lukrecia, hindi n'ya alam kung paano pakakalmahin ang amo niyang nasa loob ng sasakyan nito.

Another powerful punch landed on the windshield. At sa puntong ito ay biglang bumakat ang pulang tinta sa parte ng windsheild na tinamaan ng suntok. Isang mapula at masagandang dugo ang bumakat sa windsheild.

"Ser! Tama na pu!" SA oras na ito ay dumaloy na sa pisingi ni Lukrecia ang sandamukal na luha. Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang panuorin ang amo niyang sinasaktan ang sarili.

This time, the door of the car opened. Lumabas si Heaven. Agad naman siyang inalalayan ni Lukrecia. "Ser uwe na pu tayu."

"Sir, gabi na po, umuwi na po tayo sa condo n'yo." Isa-isang lumapit ang body guards sa nakatayong si Heaven na kasulukuyang inilalaan ang nangungulilang paningin sa may ilog.

"Ser!" Napatakip si Lukrecia ng bibig ng makita n'ya ang duguang kamay ng amo.

"Sir,--" Hinawakan ng isang bodyguard ang braso ni Heaven, "Uwi na po tay---" Hindi pa natapos sa pagsasalita ang bodyguard ay agad nang iniwaswas ni Heaven ang braso niya. "DON'T F*CK*NG DARE TO TOUCH ME!" nagngangalit na sigaw ni Heaven nang kwelyohan n'ya ang body guard na iyon. Binitiwan naman agad ni Heaven ang bodyguard at paika-ikang naglakad palapit sa may guardrail ng tulay.

Unti-unti ay dahan-dahang pumatak ang mga luha ni Heaven sa kamaong duguan na nakadantay sa may guardrail. Walang nagtangkang lumapit sa binata. Hinayaan lang ni Lukrecka at ng mga bodyguards na ibuhos nito ang lahat ng nararamdaman sa pag-iyak.

Alam nila ang pinagdadaanan ni Heaven.

Alam nila ang hirap na pinagdadaanan ni Heaven na pinagbabawalan ng sariling ama na makita si Fear at ang sarili nitong ina.

Kaya sa puntong ito ay wala silang ibang magagawa kundi ang panuorin ang humihikbi nilang amo. Bagama't hindi sila ang nasa sitwasyon ng binata ay lubos nila itong naiintindihan, ramdam nila kung ano man ang nararamdaman nito.

Nanatili lang si Heaven sa ganoong estado habang unti-unting sumasama ang panahon a paligid.

Ang kanina'y maaliwalas na kalangitan na puno ng bituin ay tila unti-unting natatabunan ng toneladang itim na ulap. Ang repleksyon ng syudad sa ilog ay unti-unting napapalitan ng pagpatak ng ulan hanggang sa bumugso na nga ang nagngangalit na pagbsak ng malalaking butil ng tubig mula sa kalangitan.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now