Kabanata 9.0: Desperate

27.3K 696 116
                                    

FEAR
"Cheesy, amuyin mo nga 'yong bibig ko." Naglakad si Cheesy papunta sa'kin at lumapit sa harap ng mukha ko.

"Haa!" Sabi ko na parang bumubuga ng apoy.

"Mabaho ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, bakit ba Fear?"

"Ewan, pakiramdam ko kasi, parang may pumasok na ewan sa bibig ko eh. Medyo maalat tas amoy lupa," sagot ko sa kanya.

Nang bumangon kasi ako sa clinic kanina, wala na akong ma-alala ni kahit isa. Hindi naman sa na-amnesia ako pero hindi ko talaga alam kung bakit at paano ako napunta sa clinic. Lahat ng nangyari bago ako magising ay hindi ko maalala. Maliban na lang sa pagtawa ko sa isang silid.

Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako tumatawa nun o kung ano at sino ang pinagtatawanan ko. Pakiramdam ko, natroma ako ng biglaan matapos akong tumawa tapos wala na akong maalala pa. Basta't ang alam ko ay nagising na lang ako sa clinic at nakita si Cheesy na nakanganga na natutulog sa isang patient bed at napasigaw na lang ako nang makita kong may lumabas sa bibig niya. Isang butiki. At mas nagulat ako ng muli itong pumasok sa bibig n'ya.

Nang makita ko 'yong butiki sa bibig ni Cheesy ay hindi na ako nakapagsalita. Nataranta ako ng sobra at mabuti na lang ay nakita ko si Heaven sa harapan ko. Sa oras na 'yon ay walang epekto ang presensya n'ya, ni hindi man lang ako nagtanong kung nasaan ako o kung bakit s'ya naroon malapit sa'kin. Ang gusto ko lamang ay humingi ng tulong sa kanya para matulungan si Cheesy pero walang lumalabas sa bibig ko ni isang salita kaya ang ginawa ko na lang ay sinapak ko ng makailang beses ang bibig ko para lang may lumabas na salita. Sumenyas din ako kay Heaven na tulungan si Cheesy doo  sa butiking nakita ko sa bibig nito pero parang hindi n'ya naintindihan ang gusto kong ipahayag kasi tinitigan niya lang ako noong ginawa ko iyon.

Kahit anong sapak ko sa bibig ko ay hindi talaga ako magkapagsalita. Pakiramdam ko na-stroke ako bigla ng makita ko 'yong butiki sa bibig ni Cheesy. Gusto ko mang sumigaw sa oras na iyon ay wala talagang lumalabas na boses sa bibig mo. Wala kahit isa.

Hanggang sa bumalik na lang 'yong speech ng kusa ng marinig ko ang salitang ambulansya. Takot ako roon e. Takot akong ma-ospital. Napabangon na lang ako ng malaman kong tumatawag na pala ng ambulansya ang nurse para sa'min. Kaya ang ginawa ko ay hinila ko na lang ang natutulog na si Cheesy at lumabas na ng clinic.

Nang maalala ko naman 'yong bag ko at 'yong bag ni Cheesy, bumalik agad ako sa clinic. Akala ko wala 'yong bag namin doon pero mabuti na lang at nandun lang pala. Nadatnan ko namang nakatayo pa rin dun si Heaven ang 'yong isa n'yang kaibigan. Nakita kong parang takang-taka sila sa pangyayari. Gusto kong matawa sa mga mukha nila. Pero maski ako ay gusto kong tawanan ang sarili ko kasi hindi ko rin alam ang nangyari.

Gusto ko sanang tanungin si Heaven kung may kinalaman ba s'ya kung pa'no kami napadpad ni Cheesy sa clinic pero hindi ko na s'ya tinanong kasi bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Uminit 'yong mukha ko nang makaharap ko s'ya, 'yong oras na sinabi ko sa kanyang "'Yong bag namin. Hehehe!" pakiramdam ko, parang puputok 'yong puso ko sa sobrang kaba. Ano kasi e, uhmm. Tama bang sabihin kong napanag-inipan ko s'ya nung oras na tulog ako? May hinalikan daw akong palaka at matapos ko itong halikan ay naging... uhhmm.. naging si Heaven ito. Dahil na-awkward ako, agad akong lumabas ng clinic bitbit 'yong bag namin. Matapos kong mapag-inipan 'yon, pakiramdam ko... uhmm... nawala 'yong inis ko sa kanya?

Nang binalikan ko si Cheesy, nadatnan ko s'yang nakahandusay sa tapat ng university na duguan at lasog-lasog ang katawan. Pero siyempre, joke lang. Nakita ko siya na nakaupo sa may waiting shed kung saan ko s'ya iniwan.

Nang maalala ko 'yong butiking lumabas sa bibig ni Chesay, isa lang talaga ang gusto gawin: gusto kong masuka. Kasi tandang-tanda ko pa talaga kung paanong naglabas-masok ang butiki sa bibig n'ya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now