Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap

18.8K 559 70
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 26.0: Ang Mainit na Yakap
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"I like you Heaven. I like you very much," pag-amin niya sa'kin na ikinatanga ko.

Nakita ko namang naglakad si Edison papunta sa kabilang side ng bleachers at nang magtagpo ang mga mata namin ay agad n'ya akong pinukulan na nagngangalit na mga tingin.

Gusto ko sana siyang sigawan na mali ang iniisip n'ya pero hindi ko nagawa nang magsalita ulit ang babaeng nasa harap ko.

"Hey? Nakikinig ka ba?" Naibalik ko agad ang paningin ko kay Charnel Fate nang marinig ko ang malungkot n'yang boses.

"I said, I like you," she added, almost crying.

"Thank you for liking me but I'm sorry,  I'm inlove with someone else," Out of nowhere ay nasabi ko sa kanya iyon. Hindi ko alam kung ba't ko 'yon nasabi, siguro dala na rin ng kaba at pinaghalong emosyon nang makita ko si Edison na masama ang pinupukol na tingin sa'kin.

"Kanino?" medyo nangingilid-luha n'yang tanong.

"Si Fear De Guzman." As I said those words ay agad na bumagsak ang sandamukal ng luha mula sa kanyang mata. Hindi s'ya humikbi ngunit nagpakita lang siya ng mapait na ngiti.

"She-she's a nice girl. Uhh, Uhm. Si-sige mauna na ako. Uhm, thanks for listening," she said tapos tumayo na siya at tahasang tumakbo papalabas ng mini-gym. Napakuyom ako bigla ng kamay nang makita kong umiiyak siyang tumakbo. I hate to see girl's crying pero mas mabuti na 'yong ginawa ko kaysa paasahin ko siya sa wala.

Naisabunot ko bigla ang mga daliri ko sa buhok. Arrrg! Ano na naman bang ginawa ko?

Napatingin ako kay Edison habang ginagawa ko ang pagsabunot sa sariling buhok. Wala naman siyang imik. He remained serious and cold sa ginawa ko. I was about approach him kaso hindi ko na nagawa nang bigla dumating si Coach Grey agad na inanunsyo na tapos na ang shower break at magsisimula na ulit ang practice.

I'm miserable!

*   *   *
FEAR
"Uuwi ka na?" malungkot na sabi ko kay Cheesy nang bigla siyang magpaalam sa'kin.

"Oo Fear e, pinapamalengke pa kasi ako ng nanay ko kaya uuwi na ako ng maaga. Eto oh, baka nagugutom ka na, tira 'yan sa binigay mo kanina," tugon ni Cheesy at iniabot n'ya sakin ang dalawang choco bread na binigay ko sa kanya kanina na binagay ko kay Heaven na itinapon n'ya lang kaya pinulot ko at ibinigay ko kay Cheesy at ngayon ay ibinibigay n'ya naman sakin. Grabe! Hiningal ko roon ah?

"H-ha?" medyo nabubungol kong tanong kay Cheesy nang iniabot n'ya sakin ang dalawang choco bread. Naalala ko tuloy 'yong oras na pinupulot ko ang mga choco bread na 'yan sa may hallway. Bakas na bakas sa isipan ko ang mga lupa at alulod na dumikit sa tinapay na hawak-hawak ni Cheesy ngayon. Tss. Nandidiri ako. Kinain pa naman ni Cheesy ang iba pang kasamahan ng mga tinapay na 'yan. Grabe! Iba talaga ang karma! Bumabalik talaga ng kusa.

"Ayaw mo?" maungkot na tugon ni Cheesy. Nakonsenya naman ako kaya agad kong kinuha ang mga tinapay na iyon sa palad n'ya at makalipas ang ilang sandali...

"Anshalap!" mangiyak-ngiyak kong tugon habang nilalamon ang dalawang choco bread. Tapos ayun! Lumabas na agad si Cheesy. Kaiyak!

*  *  *
"Gupit! Gupit! Gupit!" parang nababaliw kong sabi sa sarili ko habang ginugupit ang mga colored paper na gagamitin ko para sa inutos na banner ni Miss Charnel Fate. Dalawang oras na akong nakaupo sa mesa na'to pero hindi pa rin ako tapo pero actually, konti na lang talaga at maya-maya ay matatapos na rin ako rito.

Sabay namin 'tong ginawa ni Cheesy kanina pero ayun! Umuwi na ang loka-loka. Iniwan na akong mag-isa sa office ng department namin.

Idinikit ko 'yong nagupit kong letra sa dulo ng malaking banner at maluwalhati itong ibinalandera sa ere.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now