Kabanata 16.0: Happy Birthday.

20.3K 663 65
                                    

FEAR
"Arnulfo? Ano bang ginagawa mo sa anak natin?"

"Shut up ka lang wifey! Pinapaganda ko lang siya!"

"Ano ba! Tigilan mo nga 'yan! Hindi pa patay ang anak natin! Huwag mo nga siyang make-up-an!"

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ko ay narinig ko bigla ang mga masasayang boses na iyon. Napangiti ako. Boses 'yon ng Mamang at Papang ko.

   "Daddy? Mommy? Look! Ate Fear's waking up na!" Isang matinis at maliit na boses naman ang narinig ko ngayon. Alam ko kung kaninong boses 'yon. Kay Angry.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Ang hapdi! Nasisilaw ang mga mata ko sa kaunting liwanag ng ilaw.

Nang mabuksan ko na ang mga mata ko ng tuluyan ay sumalubong agad sa akin ang mainit na yakap ng Mamang at Papang ko.

"Mang... Pang..."

"Fear! Alam mo bang alang-alala kami ng mama mo sa'yo?" tanong ni Papang nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. Mangiyak-ngiyak pa siya noong sinasabi n'ya 'yon sa 'kin.

"Isang linggo kang hindi nagigising. Sobra kaming nag-aalala sa'yo. Salamat sa Diyos at gising ka na, Fear!" Muli akong niyakap ng mamang ko. Mula sa pagkalito ay napaisip ako bigla. Nasa ospital pala ako. Tama! Nasagasaan nga pala ako! Pakiramdam ko na-alog 'yong hypothalamus ko!

"Mang, pang, okay na po ako." Nang nginitian ko silang dalawa ay niyakap nila ako sa ikatlong pagkakataon. Pinag-alala ko ba sila ng sobra?

"A-ate!" Nang kumalas si Mamang at Papang sa pagkakayakap sa'kin ay agad namang lumapit si Angry. Namumuo ang luha sa kanyang mga inosenteng mata. Nang bumagsak ang mga luha n'ya ay agad naman n'ya akong niyakap.

"Angry! Para kang tang e," malumanay na sita ko sa kapatid ko habang marahan na hinahaplos ang buhok n'ya.

"Ate, I'm going to let you borrow my make-up kit na. But just promise me na you'll never die," sabi n'ya nang bumitaw s'ya sa pagkakayakap sa'kin. Natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Promise!" sabi ko sa kanya while raising my pinky. Itinaas naman ni Angry ang kanyang sobrang liit na pinky at ibinuhol sa pinky ko at na lang nagtawanan kami.

Naputol bigla ang tawanan namin ni Angry nang biglang pumasok sa room ko ang isang lalaking nakasuot ng puting damit. Bakas na bakas sa suot nito ang larawan ng isang propesyonal na tao.

"Hi? Good morning!" Cool na bati ng doktor. Ayy! Ang gwapo ng doktor. Kamukha n'ya si Daniel Matsunaga!

"I'm Doctor Matteo. Hello." Ngumiti ang doktor sa'kin at nag-finger heart! Kyeopta! Nalaglag bigla ang matres ko. "Hello po!?" nag-finger heart din ako.

"Wifey! Look oh! Ang hot ni Doc Matteo! Pwede pa kaya tayong mag-extend dito?" malanding tugon ng Papang ko sa Mamang ko. Landi!

"Tumigil ka nga honey! Huwag kang malandi." Pinisil naman ng Mamang ko ang tagiliran ng Papang ko. Cute! Nagseselos ang mamamh ko!

"Ouch! Wifey naman! Good Mornig din doc," bati ng Papang ko kay Doc. Matteo sabay nakipag-shake hands.

"Uhh. Yeah! Good Morning!" Paulit na bati ni Doc. Matteo. Dahil napansin naman ni Mamang na sobrang tagal matapos ng shake hands ni Papang at ni Doc Matteo ay pinisil naman niya ulit ang tagiliran ni Papang.

"Ouch! Hon--" Nabitawan naman ni Papang ang kamay ni Doc Matteo! Magre-react pa sana siya kaso inunahan na siya ng Mamang.

"Good Morning 'din po, doc!" Naiinis na tugon ng Mamang sa Doctor. Abay nagseselos si Mamang ko! Haha.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now