Kabanata 11.0: Fake Kiss

27.4K 611 98
                                    

HEAVEN
"Are you okay?" tanong ni Darryle sa'kin habang kaholding hands si Kei.  Nandito kami sa isang stock room ngayon. Walang tao dito maliban sa aming lima. Binayaran kasi ni Edison 'yong isang faculy staff na naka-assign para sa stock room na'to. He said, this is where we should met 'pag may emergency. Mahirap kasi sa labas, baka may makakita pa sa'min na lalambot-lambot.

"Yeah. I'm a bit fine. I just feel dizzy," sagot ko sa tanong ni Darryle habang hinihimas-himas ko 'yong both sides ng forehead ko. I still feel dizzy matapos akong masuka ng ilang beses dahil sa choco girl na 'yon! Pagbabayaran n'ya talaga 'to!

"I think they're witches. Pa'no nila nagawang pasukahin kayo sa pamamagitan lang ng salita?" tanong naman ni Kei habang hinihmas himas ang tuhod ni Darryle. Grr! This two is definitely perverts! Kulang na lang magmake-love sila sa harapan ko. They're so inlove with each other. Pero, in denial pa rin sila with each other.

"They're creepy, I guess," walang emosyon kong sagot kay Kei. Pero hindi na s'ya nakinig. Naging busy na bigla kay Darryle.

"Nah! Kei. Not there, nakikiliti ako. Hahaha! Ohh! Stop it!" hiyaw ni Darryle habang kinikiliti siya ni Kei sa tuhod. Arrg! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila e.

Napatingin naman ako kay Edison, ikot lang siya ng ikot sa loob ng stock room na parang may inaalalang problema. Aish! Isa pa 'to! Mas nahihilo ako sa kanya e.

   "Kei. Stop it! Hahahaha! No.. no.. no.. not that one! The sun is still up! Just wait until the moon comes and you can touch it--" Napahinto naman si Darryle sa pagsasalita habang kinikiliti siya ni Kei nang biglang sumigaw si Edison.

"STOP IT!" Sigaw ni Edison na parang gustong pumatay ng tao. Natahimik bigla ang stock room. Pero bumalik na naman ang ingay nang biglang nagsalita ang natutulog na si Niko sa may bundok ng test papers.

"Uhuh! Why should I stop? I'm still.. hahaha.. enjoying it? Hahaha!" dada ni Niko habang natutulog. Ha! He must be dreaming again about totoot. Another maniac is raging on!

   Sinapak ni Edison si Niko ng isang malaking karton. Ouch! Ansakit nun!

"Haya! Yah! Haya! Woah! Yah!" Sa pagbangon ni Niko ay bigla siyang umakto na parang si Jackie Chan na parang may kaaway na ewan.

"Ouchiness! Maria Khomeini ka naman Edison oh! Watchusey mo naman 'yong kaluluwaers kong borlogs oh. Tapos chinupalpal mo pa nang pagkaharlotharlot! Anakonda ka naman e. Ano bang problema mo?!!" pagdadabog ni Niko tapos bumalik na naman siya sa pagkakahiga. Ang sakit nun!

"Look, our problem is not yet over." Ibinato n'ya sa'kin ang isang gusot na papel at nang mabuksan ko ito at mabasa ang nakasulat ay napatanong ako kay Edison bigla.

"Pero sino? Sino ang nagpadala ng sulat?" tanong ko kay Edison. Kinuha naman ni Darryle ang sulat at binasa ng malakas.

"Mga heartthrob na pinagkakuguluhan.
Pogi kung iyong pagmamasdan.
Akala mo mga macho sa 'di kalayuan.
Pero 'pag nakita mo na sa malapitan at narinig ang lakas ang kanilang tiliian,
Paniguradong sila ay iyong paghihinalaan.
Mga kabaklaan na nagkukuwaring kalalakihan.
Five Fingers ang kanilang pangalan. -ReynaNgKagandahan-"

Matapos itong basahin ni Darryle ay napatanong din siya kay Edison.

"But who's this Reyna Ng Kagandahan? Does it mean, he or she or whatever was there when--" Naputol ang pagtatanong ni Darryle nang magsalita si Edison.

"Exactly! Bukod dun sa dalawang babae ay mayroon pang nakakita sa'tin sa mga oras na iyon. At kailangan natin siyang mahanap ngayon," sagot ni Edison.

"Pero pa'no?" tanong ni Kei. Tinignan lang ni Edison si Kei at lumabas agad ito ng stock room. Nang bumalik na si Edison sa stock room ay dala dala na itong lalaking nerd may kung anu-anong drawing ng pentelpen sa mukha, nakatali ang mga kamay at may duck tape sa bunganga.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now