Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?

21K 610 73
                                    

FEAR
Maya-maya pa nagulat ako nang bigla niya akong binalikan sabay natatawa at parang lasing na sinigaw ang mga katagang.... "Ganda ng hairpin mo! Hiks."

Kumurap ako ng 18 na beses. Natulala ako ay maya-maya pa ay kumalat ang mainit ang pulang tinta sa parehong gilid ng pisngi ko.

"Sorry talaga Miss," paghihingi ng paumanhin sa'kin ng kaibigan ni Heaven.

Nang pinutol ko ang tingin ko kay Heaven ay napasinghot ulit ako sa uniform ko ng 'di oras. May bigla akong napansin na amoy sa damit ko. Grabe! Ang lakas nung amoy. Parang, alak na ewan!

"May problema ba, Fear?" tanong ni Cheesy nang mapansin n'yang naging busy ako sa pagsinghot sa damit ko.

"Wala naman," sabi ko kay Cheesy at nginitian ko lang s'ya.

Binalik ko agad ang tingin ko kay Heaven. At nung tinignan ko siya, e okay naman. Parang normal naman. Pero, tulala lang talaga siya at sobrang seryoso ng mukha. Sa nakita kong ekspresyon n'ya ay bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.
   'May problema ba siya?' naitanong ko sa sarili ko pero nabalik naman ako sa isipan ko nang magsalita na si Sir Raul Lu.

"Howmowsexwuality," may accent n'yang tugon sa klase, "Itow ang kowndisyown kuwng saan ang isang taow ay nagkakaguwstow sa kaparehow n'ya ng kasarian. Kabilang sa mga taowng itow ay ang mga Gays at Lesbians. At kahanay na rin sa howmosexwuality ay ang bisexwuality kuwng saan ang isang taow ay nagkakaguwstow sa parehowng kasarian," eksplika ni Sir na may ngiti. Habang sinasabi ni Sir Raul Lu ang mga katagang iyon ay tila ngumingiwi rin ang mga labi ko. Pakiramdam ko kasi, nahahawa ako sa estilo ng pananalita n'ya.

"At iyan ang pagdedebatehan natin ngayown." Naglakad siya papunta sa upuan ng mga babae which is sa'min. Magkahiwalay kasi ang pagkakaupo ng mga babae at lalaki sa lahat ng klase sa lahat ng subject sa unibersidad na'to.

Sinadya ang ganitong sitting arangement ng university upang ang mga baklang estudyante ay mas makahalubilo ang mga estudyanteng lalaki at ganoon narin sa mga tomboy. Vice versa kung baga.

"Psst!" Napilingon ako ng biglang may sumitsit. Actually, hindi lang ako, pati na rin mga kaklase ko at pati na rin si Sir Raul.

Napatingin ako kay Heaven, siya pala 'yong sumitsit. Nakatingin siya sa'kin, tila may sinasabi pero walang lumalabas na tunog sa bibig n'ya. Pero kung babasahin ko ito parang kahawig nito ang katagang "AMPANGET MO!". Takte! Nakakainis s'ya ha!!
"Mr. Chavez? May prowblema ba?" tanong ni Sir Raul Lu sa kanya.

"Ahh. Hehe! Wala po sir. Wala pong problema si Heaven!" Nakangiting sabi ni Niko kay Sir tapos parang may binulong kay Heaven.

"Siraulo!!" Naibulalas ko bigla. Pinapatungkulan ko si Heaven.

"Ms. Deguwzman? Sinowng sira uwlow?" Nagulat ako ng bigla akong sinigawan ni Sir Raul Lu. Narinig n'ya 'yon? Tss. Patay! Nakalimutan ko! Katunog pala ng siraulo ang Sir Raul Lu.

"Umm. Sir?! Hehehe! Sabi po ni Fear, may headache po daw siya, at malapit ng maSIRA ang ULO n'ya sa sobrang sakit." Nakahinga naman ako ng maluwag nang tinakpan ni Cheesy ang butas na nagawa ko! Hoo! Muntikan na ako roon!

   Binigyan naman ako ni Cheesy ng masamang tingin. Tss? Para san 'yon?

"Ganuwn ba?" Lumapit si Sir sa akin at hinawakan ang noo ko. Tss? Sabi ni Chessy, headache, hindi lagnat! Siniko naman ako ni Cheesy. Signal 'yon na sabayan ko na lang 'yong sinabi n'ya na dahilan kay sir.

"Ms. Deguwzman guwstow mow bang mag-excwuse sa klase at puwmuwnta sa clinic?" tanong n'ya.

"Ahh!" Tumawa ako. "Owkay lang pow! Kaya kow pa pow namawn!" Napatakip ako bigla ng bibig. Nasapo naman ni Cheesy ang ulo n'ya. Nagtawanan ang mga kaklase ko at pati na rin si sir ay natawa. Si Sir? Napatingin ako bigla sa kanya para makumpirmanng tumatawa nga siya! Aba't tumatawa nga siya! Amazing!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now