Kabanata 6.0: Sorry

24.6K 739 32
                                    


FEAR
"Mister Chavez, kung ayaw mong tanggapin ang patawad ni Miss De Guzman ay maari ko 'rin namang siyang ipakick-out sa mismong oras na'to."

Nagulat ako sa sinabi ng Dean. Ipapakick-out ako? 'Di ko alam pero pakiramdam ko, biglang nanghina ang mga binti ko. At tila mas dumami pa ang luhang umaagos mula sa mga mata ko. Hindi. Hindi 'to maari.

Kasalukuyang nakahiga si Heaven sa isang patient bed ng clinic at naka-upo naman 'yong apat niyang kasama sa sofa. Magsasalita na sana ako ng biglang tumayo si Heaven.

"Mawalang galang na Dean pero," huminto s'ya sa pagsasalita, "Pa'no kung ipakick-out 'rin kita dahil hindi ko nagustuhan ang inaasal mo? Okay lang ba? Kaya kong gawin 'yon." Nagulat ako sa sinabi n'ya. Pano n'ya nagawang pagsalitaan ang dean ng ganun? Halata rin namang nagulat ang dean dahil hindi ito nakapagsalita. Akala ko, magagalit ang dean pero tumahimik lang ito. Tila natatakot na magsalita.

"Hindi kasalanan ng babaeng 'to na mawalan ako ng malay. Sobrang hina lang ng pagbato n'ya kaya imposibleng 'yon ang dahilan para mawalan ako ng malay. Dalawang araw na akong hindi kumakain ng rice kaya na nag fade-out ang sistema ko. Kaya kung ang inaalala mo ang pundong ibibigay ng Dad ko sa university na'to, huwag kang mag-alala at buong-buo mong maibubulsa 'yon," dagdag n'ya. Tahimik naman ang lahat habang nagsasalita s'ya. Kapansinpansin na may awtoridad ang pagsasalita n'ya. Pati dean, hindi n'ya nagawang pagsalitain.

"Ang gusto ko lang, sahindi na ako makakita pa ng estudyanteng pinaparusahan n'yo dahil inagrabyado n'ya ang isang anak mayaman." Napatingin siya sa'kin pero binalik n'ya naman agad 'yong tingin n'ya sa dean, "So, Dean, are we.. settled?" tanong n'ya na may ngiti sa dean. Ang inosente n'yang ngiti. Nag-nod naman ang dean. Parang kabado ito, parang natatakot. Walang imik at tila iniiwasan ang tingin ni Heaven.

"Miss De Guzman, maari ka ng bumalik sa klase mo." Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay lumabas na siya. Sususnod na sana ako ng biglang magsalita si Heaven.

"Ikaw," napatingin ako sa kanya "We're not yet settled," sabi n'ya tapos kinindatan ako. Grrrr. Kainis talaga! Gusto ko s'yang sampalin. Dahil sa kanya, sobrang dami ng iniyak ko. 'Di lang pala siya kumain ng kanin kaya nahimatay siya. Nadamay pa ako!

Lumabas na ako ng clinic at narinig ko naman silang nagtawanan. Pero 'di ko na pinansin 'yon. Bago ako pumunta sa klase ko, pumunta muna ako ng cr para ayusin ang mukha ko. Nang makaharap ako sa salamin, nadatnan kong sobrang mugto ng mga mata ko at may mga luha pang natira na naging muta na. Kinuha ko 'yong panyo sa bulsa ko para punasan ang mga natirang luha sa pisngi ko. Bago ko ipunas ang panyo, napansin ko 'yong pangalan na naka-burda dito,

"Heaven." Binasa ko 'yong nakaburda. Napatingin ako sa salamin bigla. Naala ko 'yong tingin n'ya sa'kin kanina.

"Ang gusto ko lang, sana hindi na ako makakita pa ng estudyanteng pinaparusahan n'yo dahil inagrabyado n'ya ang isang anak mayaman." Napatingin siya sa'kin. Pero binalik n'ya naman agad 'yong tingin n'ya sa dean.

'Yong tingin na 'yon, kahit sandali lang, parang kakaiba. Di ko masabi kung ano. Siguro nagulat lang ako nang makita ko 'yong different side n'ya kanina. Akala ko, isa lang siyang papogi na lalaki, hambog at feeling. Pero nung oras na kinausap n'ya 'yong dean...

   "Hindi kasalanan ng babaeng 'to na mawalan ako ng malay, sobrang hina lang ng pagbato n'ya, kaya imposibleng 'yon ang dahilan para mawalan ako ng ulirat."

Parang pakiramdam ko, pinagtanggol n'ya ako. Kasi sa pagkaka-alala ko, medyo malakas 'yong pagbato ko sa kanya pero ang sabi n'ya, mahina lang daw 'yon at hindi ako ang may kasalanan.

   "Ang gusto ko lang, sana hindi na ako makakita pa ng estudyanteng pinaparusahan n'yo dahil inagrabyado n'ya ang isang anak mayaman."

Siya ba mismo ang nagsabi nun o, mali lang ako ng dinig? Nalilito tuloy ako kung dapat ba akong mainis sa kanya o dapat ba akong magpasalamat. Naiinis ako kasi, kung makakindat s'ya sa'kin, wagas! Nakakabastos 'yon para sa part ko. Pero sa kabilang side naisip ko, dapat ba akong magpasalamat sa kanya? Dahil kung hindi dahil sa kanya, e 'di sana na-kickout na ako ngayon. Err! Nagkaroon pa tuloy ng utang na loob sa kanya. Nakakabaliw 'yon. Baka kung ano pang hingin n'yang kapalit.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now