Kabanata 27.0: Nasaan Ka?

16.6K 469 26
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Written by: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"Ser may seeds ka ba?" tanong ni Lukrecia habang dala-dala ang pusang si Arf-Arf at inaayos ang mga gamit ko sa likod ng kotse.

"Bakit? Magtatanim ka ba? Walang lupa sa condo ko ah?" Nagtatakang tugon ko kay Lukrecia habang hinhintay siyang matapos.

"Hendi ser uy! Anu ba yan uy! 'yong seeds ba? 'Yong seeds na pantakip sa mata para hendi maselaw ang mata sa araw. 'Yon ser ba! Mayrun ka nun ser?" tanong n'ya nang matapos siya sa ginagawa n'ya. Bigla namang uminit ang ulo ko nang sabihin n'ya iyon kaya agad ko siyang sinigawan.

"Lukrecia, it's shades not seeds," pagtatama ko sa sinabi ko sa kanya at pumasok na agad sa loob ng kotse. Kainis din 'tong si Lukrecia e. 'Shades' ginawang 'Seeds'? Itinamin niya kaya yang seeds na 'yan sa bunganga n'ya at tignan natin kung tutubo 'yang seeds na 'yan!

"Se ser naman e, sheeds as seeds. Pariho lang kaya 'yon!" labas two fronth teeth na tugon ni Lukrecia nang makapasok na siya sa loob ng kotse. "'Di ba Urp-Urp?" sabay tanong sa dala-dala n'yang si Arf-Arf. See? Pati pangalan ni Arf-Arf ginawa n'yang Urp-Urp? Lukrecia naman.

"Hey, Lukrecia? Ilang beses ko na bang sinasabi sa'yo na ipakunsulta mo na sa doktor 'yang ngala-ngala mo, pero hindi mo pa rin ginagawa. Palibhasa, winawaldas mo lang 'yang sweldo mo d'yan sa Dodong mo! Sabihin mo pang 'seeds', pipitikin ko na talaga 'yang two fronth teeth mo!" sabi ko sabay bato ng shades ko sa pagmumukha n'ya.

"Tekyu sa SEEDS ser!" nakangisi n'yang tugon. Napahawak naman ako sa sintido ko. Tsk! Walanjo talaga 'tong si Lukrecia.

"Sir, paandarin ko na po?" tanong ng driver ko.

"Try mong i-hinto! Nakahinto na nga tayo 'di ba?" sarkastiko kong tugon sa driver kong si Boknoy.

"Sige sir. Ihihinto ko po," he said, "Ay sir, nakahinto na pala tayo. Hehehe." Sa sinabi n'yang iyon ay nag-igting ang mga panga ko.

"Paandarin mo na," buong pasensya kong sabi.

"Paandarin ko po?" tanong n'ya.

"Pahintuin mo" sarkastiko kong tugon.

"Sige, sir --- ayy teka sir? 'Di ba nakahinto na tayo? Ba't ko pa iihinto?" Sa sinabi n'yang iyon ay 'di ko na talaga siya nakayanan at pumutok na talaga ako sa galit.

"BUMABA KA NG KOTSE! NGAYON NA!" sigaw ko sa kanya.

"Bababa po ako sir?" He asked me.

"Umakyat ka! Subukan mo!" I shouted again.

"Sige sir, aakyat po ako. Ayy-- teka, walang hagdan ang kotse n'yo sir eh. Pano ako aakyat?" Sa sinabi n'yang iyon ay agad akong bumaba ng kotse at makalipas ang ilang sandali ay binato ko ang sarili kong kotse ng malaking bato. Agad namang lumabas si Boknoy at tinuro ang kotse.

"Hala sir, nabasag," sabi niya sabay turo n'ya sa windshield.

"Nasunog 'yan! Nasunog!" sarkastiko kong sigaw sa kanya sabay pasok sa kotse.

"Hala! Nasunog pala sir? Sige, tawag ako ng ambulansya," sabi n'ya at ayun, tumakbo na siya. Arrggg! Jusko! Hindi ko na talaga kaya 'to. Tss. Ambulnasya pa talaga ang tatawagin!

Agad kong pinaandar ang kotse at mabilisan na itong pinatakbo. Nakita ko naman si Lukrecia na tumatawa ng mahinhin. Tss. Problema nito?

"Ang kyot talaga ni Boknuy," she said while giggling.

Habang nagda-drive ako ay 'di ko maiwasang mangamba. Ngayon na kasi gaganapin ang basketball league. Kinakabahan ako dahil sa dalawang dahilan. Una si Core. Kinakabahan ako sa mga kinikilos n'ya lately. 'Pag dumadaan kasi kami sa building nila, binibigyan n'ya kami ng masasamang tingin kasama 'yong mga ka-myembro n'ya sa Blazing Eagles. 'Parang may gusto siyang sabihin sa mga titig na iyon. Naalala ko tuloy 'yong oras na dinamba n'ya ako at tinutukan ng matulis na bagay sa likod ko. May sinabi siya nun pero hindi n'ya naituloy kasi dumating bigla ang governor ng department namin na si Charnel Fate.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now