Kabanata 10.0: Akbay

29.3K 669 155
                                    


HEAVEN
"What? Hindi pwedeng mangyari 'yon!!" Napasigaw si Darryle sa gitna ng discussion namin sa Accounting2c. Nakuha n'ya ang atensyon ng mga kaklase namin pati na ng professor namin.

"Mr. Darryle Cruz," seryoso at malamig na tugon ng professor namin kay Darryle habang tinuturo ang pinto.

"Yes ma'am." Tumayo si Darryle, kinuha ang bag n'ya at lumabas na ng classroom. Bigla rin namang tumayo si Kei at kinuha ang bag n'ya. Paniguradong susundan n'ya si Darryle. Pero bago pa siya makalabas ng room ay agad naman siyang sinita ng professor namin.

"Mr. Kei Soo? Pinapalabas ba kita?" Binaba ng professor ang kanyang eyeglasses para makita si Kei. Binigyan n'ya ito ng masamang tingin na naging dahilan upang mapabalik s'ya sa upuan n'ya.

"Isa ka pa e! Masyado kang nagpapahalata sa relasyon n'yo ni Darryle. Masyado ka ng obvious Kei, alam mo ba iyon?" Diretso, buo ngunit pabulong na sermon ni Niko sa pinsan n'yang si Kei. Sa pagkakataong ito, hindi mo na mababakasan ng kabaklaan si Niko. Diresto at buo na siyang magsalita.

"Ano ba!? Wala nga kaming relasyon ni Darryle e. Ang tigas naman ng matres mo Niko e!" Sa sinabi ni Kei ay hindi na nagsalita si Niko. Hindi na ito nakinig sa sinabi ni Kei. Kasi kahit anong diin ni Niko na may relasyon nga si Kei at Darylle ay pilit pa ring tinatanggi ni Kei ito. Kahit masyado ng obvious.

"Maaring alam na ni Choco Girl at ng tomboy n'yang kaibigan na mga bakla tayo. Sa nakita nilang ekapresyon natin kahapon dahil sa mga insektong binato nila sa atin ay paniguradong naghinala sila ng sobra. At baka dahil sa paghihina lang iyon ay baka ipagkalat nila na bakla tayo." 'Yan ang lipon ng mga salitang sinabi ko sa kanila na nagpatayo kay Darryle. Kahapon pa ako sobrang kinakabahan. Hindi puwedeng malaman ng lahat kung ano kami.

Maaring hindi namin ma-violate ang rule na nakasaad sa Section 14.3. Pero sa oras na malaman ng lahat na bakla kami, paniguradong masisira ang mga pinaghirapan namin. Lahat ng pagod at pagtitiis namin na maitago ang aming tunay na kasarian namin ay pwedeng mauwi sa wala sa isang kurap ng mata. At hindi pwedeng mangyari iyon. Dahil hindi lang ako ang puwedeng mapahamak 'pag nangyari iyon. Maaring madamay ang mga kaibigan ko at lalung-lalo na ang taong pinoprotektahan ko. Ang mama ko.

Pinapasok ako ng Dad ko sa university na ito para umaktong propesyonal sa kabila ng kasarian na mayroon ako. Upang maayos n'ya akong maiharap sa mga business partners n'ya balang araw. Mas mahalaga kasi sa kanya ang mga salitang ibabato pabalik sa kanya. Gusto n'ya ng perpekto. Walang mali, walang baho! Dapat malinis ang pangalan n'ya 'pag pinakinggan ng iba. Dapat lalaki ang anak niya at hindi bakla.

At kapag may hibla ng kapintasan na makikita sa pangalan n'ya ay gagawin n'ya ang lahat mabura lang ang kapintasan na iyon. Lahat lahat. Maaring mga kaibigan ko o kahit na ang mama ko ay puwede n'yang burahin mawala lang ang kapintasan na ito.

   Oo ang mama ko. Ang asawa n'ya. Ang mismong ina ko.

Magulo ba? Ganyan mag-isip ang Dad ko.

"Don't think too much. Nandito lang kami sa tabi mo. This is our problem, and we'll fix it together." Minsan, sa sobrang pagiging seryoso ni Edison ay mapagkakamalan mo siyang wirdo. Sobrang tahimik kasi n'ya at 'pag tinitignan mo 'yong mukha n'ya ay wala kang makikitang emosyon. Pero sa kabila ng pagiging heartless looking n'ya ay makikita mo ang isang concerned na kaibigan lalung-lalo na sa mga ganitong oras.

Nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi n'ya. Mabuti na lang at nakatagpo ako ng mga kaibigan na katulad ng mga baklang 'to. Kasi kung hindi..

..baka matagal na akong sumuko.
*   *   *
"They're inside the canteen right now, having their lunch," bunyag ni Darryle nang tanungin siya ni Edison kung saan ang dalawang babaeng nambato sa'min kahapon ng mga nakakadiring insekto.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now