Kabanata 31.5: Siya

19K 446 58
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 31.5: Siya
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

Cheesy Demoiselle
"Cheeessyyy!" Sa oras na ito ay tanging sigaw lang ni Fear ang naririnig ko. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere pero parang may humihila sa'kin pababa. Nakikita ko rin ang malawak ng kalangitan na animo'y hinihigop ako.

Napangiti ako. Siguro ito na! Siguro ito na talaga ang itinakdang oras para lisanin ko ang mundo. Ito na nga!

"Hey?"

"Alive ka pa ba?"

"Ba't ka ba kasi jumambak sa buildingerns? Ang tall-fee kaya nun!"

"Pasyensorry kanina ah? Hindi ko naman mean na sabihan kang haaa-yuuuf ka? I am soryy noh?! Hmf!?"

Mula mahimbing kong pagkakatulog ay bigla kong naring ang isang boses. Ito na ba? Ito na ba ang boses ni San Pedro? Kung siya na nga iyon ay kailangan ko nang imulat ang mga mata ko nang makapasok na ako sa langit.

"Liwanag! Liwanag!" Napasigaw ako sa tuwa nang iminulat ko ang mga mga ko at nakita ko ang liwanag! Itinaas ko ang mga kamay ko para abutin ito pero mukhang ang layo! Pero okay lang! Abutin ko pa rin.

"Gaga! Fluorescent 'yan!" Nang marinig ko ang boses na iyon ay mas lalo pa akong natuwa! Boses ba 'yun ni San Pedro? Boses n'ya ba?

"Hoy! Trulala ka na ba? Nasa clinic tayo! Hoy!"

Waaa! Naring ko ulit! Gusto kong makumpirma! Kaya eto, susubukan ko ulit.

"Kailan ba ako makakapasok? Kailan ba?" tanong ko kay San Pedro habang inaabot ang liwanag.

"'Pag na-ayos na ang topak sa brain mo!"

Waaa! Sumagot ulit si San Pedro! Ang bakla ng boses ni San Pedro! Hahaha. Pero, teka? Bakla si San Pedro? Sa pagkaka-alam ko e lalaki siya! Pero parang bakla talaga boses e. Hindi kaya, bakla talaga siya kaya hanggang gate lang siya ng langit? Alam na! Hahaha.

"WELCOME TO HELL! WRAHAHAHA!"

"WAAAAA!" Napatili ako bigla nang makita ko si... si SATANAS? Waaa! Ba't blondy ang buhok? Ba't parang ang mestiso naman ata n'ya? B-bat ang g-guwapo? Nyay! Baka! Nag-disguise! Waaaa! Gagu! Kailangan kong lumiko! Mukhang hindi na langit ang pinupuntahan ko! Waaaa!

"H-hoy! Tomboy! A-anong gagawin mo! Bintana 'yan! 'Wag mong sabihin na tatatatatalon ka!"

Waaaa! Naring ko siyang nagsalita! Pati ba naman si satanas e bakla ang boses? Hindi lang pala sa mundong ibabaw uso ang kalambutan, pati rin pala sa ibang dimensyon! Waaaa! Huwag kang makikinig sa kanya Cheesy! Follow the light! Just follow the light! Lakad. Lakad. Lakad.

"Hoy! Bintana 'yan! Ano ka baaa!!!"

"Araaaaay!" Nasapo ko bigla ang pwet ko na maramdaman kong una itong bumagsak sa lupa.

Lupa? Lupa! Nasa lupa nga ako!!

Woaaa! May lupa! May mga damo! May mga bulaklak!

Ibig sabihin, nasa PARAISO na ako?

Waaaa! Ang saya!

Pero teka? Parang may naririnig ako? Parang..

AHAS?

Waaaa! May ahas! At may dalang dalawang mansanas!

<*PSSSSSSSS*>

Kaso, kakaiba  'yung ahas, k-kasi, may bangs! A-at, bumubuga ang bibig ng tubig sa puting pader.

"Miss? Why do you keep on looking at my stick? I'm urinating, can't you see?"

Y- 'yung a-ahas, nananags-sa-salita! <*NGANGA!*>
*   *   *
"I'm sorry talaga tombs. Galit ka pa baa?" medyo naka-pout na tugon ni Niko sa'kin. Nandito ulit kami ngayon sa isang bench sa may ground ng university. He's trying to explain things to me but duh? Alam ko na ang lahat no!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ