Kabanata 42.5: Mas Masakit

12.2K 360 62
                                    

"Maari bang sumabay ako sayo?" Ngumiti si Heaven habang nakalahad ang kamay sa dalaga. Naghiyawan naman ang mga kapitbahay ni Fear. Ang mga naglalaba sa may poso, ang mga nagwawalis, ang mga nag-iinuman na tambay, ang mga nagpa-pat session at ang mga batang lalaki na nag-cha-chinese garter... lahat ay nakaramdam ng kilig sa ginawa ng binatang si Heaven.

Napabuntong hininga si Fear, 'Ang ngiting ito,' tugon niya sa isip niya nang nakita niya ang mga ngiti ng binata na tila umaasang papayag sa alok nito sa kanya. Gusto niyang pumayag sa alok ni Heaven pero...

"Pasensya na, male-late na ako." Agad na dumaan si Fear sa gilid ng binata habang nakayuko. Galit siya kay Heaven. Oo galit siya at gusto niyang maghiganti para sa sakit na ipinaramdam nito sa kanya. Pero 'yun nga ba talaga ang nararamdaman niya sa binata sa puntong ito? Pero bakit ganito? Bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ni Fear?

"OOH!" sabay sabay na usal ng mga tao na tila nadismaya sa nakitang senaryo. Umalis si Fear, iniwan niya si Heaven.

"Shems, parang telenovela lang?" ani Ninang Douglas, tila naiiyak.

"Korak!" usal ni Ninang Mac.

"!Tear eye much!" sabi naman ni Ninang Arthur na pinupunasan ang uhog.

* * *

"Choco Girl!" sigaw ni Heaven, hinahabol si Fear.

"Galit ka ba?" pasigaw na tanong ng binata. Malamang Heaven! Galit talaga 'yan! Hay naku! Ikaw ba naman ang hindi siputin matapos maghintay ng ilang oras? Partida pang muntikan na siyang mababoy? Buti na lang talaga nandun si Hell, buti na lang talaga.

"Ewan ko sa'yo! Bwesit!" inis na sabi ni Fear habang namumula ang pisngi. Pa'no ba naman kasi? Pinagtitinginan sila ng mga taong dinadaanan nila e.

"Choco Girl," lumapit si Heaven sa side ni Fear, "Sorry na," malambing na sabi ni Heaven na siyang ikinahinto ni Fear. Nasa labas na sila ng subdivision ngayon at wala ng mga taong nakakapansin sa kanila maliban na lang sa mga sasakyang dumadaan sa may kalsada.

Hinarap ni Fear si Heaven at tinuro-turo, "Alam mo, magaling ka talaga sa Reverse Psychology e! Alam mong may gusto ako sa'yo kaya sa tingin mo e sa isang sorry mo lang ay mapapatawad na kita. In short, EASY GIRL ang paningin mo sa akin!"

"Choco Girl, mali ang iniisip mo, listen to me fir--" magsasalita pa sana si Heaven kaso tinakpan na ni Fear ang maninipis na labi ng binata.

'Chansing!' iyan ang nasa utak ni Heaven sa puntong iyun.

'Kung hindi lang kita mahal Choco Girl, masasampal na talaga kita sa ka-chansingan mo,' dugtong ni Heaven.

Tinaasan ni Fear si Heaven ng kilay, naiinitan siya sa kakisigan ni Heaven sa puntong ito pero pilit niyang nilalababan ang landing nararamdaman. Go Fear!

"Pwes, ngayon pa lang, sasabihin ko na sayo na hindi mo na kailangangang mag-sorry kasi hindi naman ako galit sa'yo. Hindi ako galit sayo kasi wala naman akong karapatang magalit, 'di ba? Sabi mo nga, magkaibigan lang tayo. Kaya, kwits!"

Itinaas ni Fear ang parehong paa para pantayan ang mukha ni Heaven at sa puntong iyun ay halos magkadikit na ang mga mukha nila at kung hindi lang sana nakatakip ang kamay ni Fear sa mga labi ni Heaven ay malamang nagkahikan na sila. "Hindi mo na kailangan mag-sorry kasi hindi mo naman kasalanang hindi ako siputin. Option mo 'yun kaya option ko rin na hintayin ka o hindi." Tinanggal ni Fear ang kamay niya sa mga labi ni Heaven.

Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang paa sa natural na pagkakatayo. Nakaramdam siya ng lungkot pero makalipas ang ilang sandali ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang napatingin siya sa mismong kamay na itinakip niya sa bibig ni Heaven, "M-may lipstick," medyo nanginginig nguso niyang usal.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now