Kabanata 41.5: Laro

9.6K 313 57
                                    

"Maawa ka," Nakagat ni Fear ang ibabang labi habang umiiyak. Hindi na niya kaya. Hindi na. Habang hinahalikan siya ng lalaki sa kung saan-saang parte ng katawan niya ay nilingon niya ang buong mini-park. Madilim pa rin doon. Nawalan siya bigla ng pagasa nang makita niyang wala ng ibang tao roon na mahihingan niya ng tulong.

"Huwag," humihikbing ani Fear nang unti-unti siyang tanggalan ng suot nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mariing umiiyak. Napaigtad siya nang maramdamang hinaplos ng lalaki ang kanyang hita. Sinubukan niyang kumawala pero hindi niya nagawa. Fear just cried silently. Pakiradam niya ay umiikot na ang mundo niya. She was powerfully pinned to the ground. Hindi niya magawang ikilos ang bawat parte ng katawan niya. Habang naglalakbay ang kamay ng lalaking iyun sa katawan niya ay humiling siya sa itaas na sana ay mayroon pa ring dumating para sagipin siya.

"HOY!" Napatigil ang dalaga sa pag-luha nang marinig niya ang sigaw na iyun kasabay ng pagkawala ng lalaking nakapatong sa kanya.

Agad siyang napaupo habang nakagapos ang mga braso sa dibdib. Mabilis siyang napalingon sa lalaking binubugbog ang dalawang manyak na muntikan ng humalay sa kanya. Umaasa siyang si Heaven ang matatagpuan niya ngunit ibang tao ang sumambulat sa kanyang paningin. Hindi si Heaven ang sumagip sa kanya.

"Isaw? Okay ka lang?" Agad na napatingin ang dalaga sa mga nagaalalang mga mata ng binata. Si Hell. Yumuko ito upang pumantay sa dalaga.

Nanginginig na tumango si Fear habang niyayapos ang unipormeng napunit. Agad namang hinablot ni Hell ang itim n'yang bagpack na nakasabit sa likod niya. Binuksan niya agad ito at may kinuha sa loob.

"Eto." Inabot ni Hell ang isang jacket kay Fear, napalingon sa gilid ang binata upang hindi makita ang pagsasaklob ng dalaga sa ibinigay n'yang jacket. Alam ni Hell ang salitang respeto. Alam niya.

"Salamat," nanginginig at nakayukong bulalas ni Fear kay Hell.

"Tulungan na kita." Kinuha ni Hell ang kamay ni Fear upang alalayan itong tumayo. At nang makatayo na siya ay agad na napansin ng binata ang pagyuko ng dalaga.

"Isaw," nagaalalang tawag ni Hell nang madatnan ng mga mata niya ang biglang pagtaas-baba ang balikat ng dalaga, tila humihikbi ito.

"Hell..." Napayakap si Fear kay Hell. Bumuhos ang luha niya nang gawin niya iyun, "...hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung hindi ka dumating," dagdag niya.

"Okay lang," malumanay tugon ni Hell. "'Wag ka nang umiyak Isaw, nandito na ako," dagdag ni Hell habang marahang na tinatapik ang likod ng dalaga.

Napakunot ng noo ang binata habang ginagawa iyun. Pinaghalong lungkot at pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon.

Sana hindi niya iniwan si Fear.

Sana hindi niya sinunod ang utos ni Edison. Sana.

* * *

HEAVEN

"SGA is currently sinking but we can assure you that we will be able to supply all the needs of your company." Dada lang ng dada si Mr. Kim ngayon. Mr. Kim is the contractor of SGN supplies incorporation. He's proposing on us to invest in their company since they need a lot of assitance from my fathers's company, Vivere Real Estates. But actually, none of his words sinks in my head since I don't have any idea on what he's talking about. Napilitan lang akong humarap sa kanya sa kadahilanang may-sakit ang Dad ko ngayon at sa kasalukuyang panahon ay ayaw niya ring pagkatiwalaan ang mga empleyado niya.

"So, is it a deal Mr. Chavez?"

"I'm sorry Mr. Kim but---" Napatingin ako sa malaking digital wallclock na nasa may counter ng restaurant. "What the!" Kamuntikan na akong mapamura nang makita ko kung anong oras na. It's almost 11 pm. Si Choco Girl! Kailangan ko na siyang puntahan.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang