Kabanata 28: Let's Go Out

17.6K 524 31
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 28: Let's Go Out
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"Bug off Kei! Ano ba!" sigaw ko nang hawakan ako ni Kei at Darryle sa parehong kamay. I was trying to escape from their strong grip pero I just ended up being dragged by them papunta sa loob ng kotse ko.

"You said, 'I love you' sa kanya right?" nakangising tanong ni Darryle as they successfully settled me at the back seat of my auto. Hindi pa sila nakontento at itinali pa nila ang mga kamay ko at tinakpan din ng duck tape ang bibig ko.

After they did that ay tinignan naman ako ni Kei sa mga mata ko ng diretso na animoy nang-iinis, "We'll just help you to say it again to her. Audibly and clearly!" he said as he gave me a wolfish grin after uttering those words.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina noong nasabi ko ang bagay na iyon sa kanya. I did not actually mean it. I just spill it out then boom! Sa sobrang sayang naramdam ko kanina matapos kong mailusot ang puntos na nagpanalo sa amin ay 'di ko namalayan na naibulalas ko na pala ang bagay na iyon sa kanya.

   "Nagawa mo!" she said.

"Dahil yun sa'yo, I love you," pabulong at mahinang-mahina kong sabi.

'Pakshet talaga! Pakshet na pakshet!' sigaw ko sa isip ko ngayon. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Hindi ko rin alam kung narinig n'ya ba yun o hindi. Pero isa lang talaga ang alam ko, hindi ko iyon sinasadya. Pakshet!

"Kung ano ang sinasabi ng puso, 'yon din ang sinasabi ng dila. Saan ba nahuhuli ang isda? Sa bibig 'di ba?" Kei added at nginisihan ako. At sa sinabi n'yang iyon ay nabato ako saglit. Pakshet talagaa!

"Imamah myoh amoh mimoh!" (Ibaba niyo ako rito!) Pilitin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Tanging mga hindi maintindihang salita lang ang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong kumawala pero, wala e. May pagkagago talaga ang mga mabuti kong kaibigan, sinadya kasi nilang busalan ang bibig ko para hindi ako makapalag. Hinigpitin din nila ang pagkakatali ng mga lubid na sa mga kamay at paa ko kasi akala ako siguro nila ay tatalon ako sa kotse at tatakas sa dahil sa pinaplano. Tss. What kind of friends are they?

"Where's Edison?" tanong ni Kei kay Niko nang pumasok ito sa kotse. Nakabusangot pa ang mukha nito habang hinahabol ang sariling hininga.

"Malaysia ko? 'Di ko junakins ang taong 'yon kaya hindi ko school obligations ang baklang iyon." Sabay irap ni Niko kay Kei. Tss! If I just know, badtrip si Niko ngayon sa kadahilang hindi namin natapos ang party sa isang bar kung saan kasalukuyang isine-celebrate ng team namin ang panalo namin kanina. Nandun pa naman ang bet namin ni Niko na si Brent. Tss. Landi ko ngayon ah?

Pinilit din kasi ni Kei at Darryle si Niko na iligaw si Lukrecia ng landas nang sagayon ay hindi na ito makasagabal sa set-up na ginagawa nila ngayon sa'kin, kaya eto, medyo badtrip si Niko.

At oo, isa 'tong set-up. Isang set-up na gawa ng mga peste kong kaibigan. Isang set-up kung saan iba-blind date nila ako kay Choco Girl. Sa mismong Choco Girl na sinabihan ko ng... arrg! Ba't ang hirap sabihin nito? Tss? Sa mismong Choco Girl sinabihan ko ng 'I Love You.' Tss. The heck!

"Just wait CG, your Babyloves is coming!" excited na ni Darryle habang naka-akbay sa'kin. Mukhang excited pa talaga ang gago e. Inirapan ko lang siya at agad na ibinaling ang paningin sa bintana ng kotse. Gabi na rin pala. Tssk!

Kalmado lang akong tumitingin-tingin sa labas. Yeah, I am acting as if I am very relaxed but the truth is, something's happening within my interioty. Something that is weird as hell.

Para kasing may nagaganap na hindi ko maintindihang kaganapan sa kaloob-looban ko. It's likethere's a big war that is currently happening inside my chest. Explosions kept on raging continuously. Parang may mga sundalong nagpapatayan sa loob ng dibdib ko. Pakshet talaga!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now