Kabanata 25.0: Sino?

18.4K 508 47
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 25: Sino?
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"According to the statistics, tendency for a gay to fall inlove with a girl is only ten percent but once he get closer with that girl, the tendency rises up to 80 percent," nangiinis na eksplika sa'kin ni Niko while reading silently those informations at my back. Naglalakad kami ngayon sa hallway, and as usual, girls' eyes are on at us. We're acting like we're heartthrobs again. You know, rule book section 14.3, kailangan naming sundin 'yon!

"Shut up na Niko, mukha ka ng ulol diyan," I arrantly said to Niko without even giving him a single stare.

"This man is inlove with his Choco Girl, hindi sya nakatulog kagabi kaya anlaki ng eyebags n'ya ngayon. Har har!" natatawang sabi ni Kei sabay akbay kay Darryle. Napapikit naman ako ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Kei. Inayos ko bigla ang shades na suot ko bilang panakip sa naglalaliman kong eyebags. Na-conscious tuloy ako bigla. Kainis! Isa na lang talaga!

"Oh no! That cupid's arrow hits our baby brother's heart. So romantic! A gay who fell inlove with a girl? That's a very unique lovestory!" maarteng wika ni Darryle tas nagtawanan naman silang lahat.

"Definitely," natatawang pagsang-ayon ni Edison. This time, puno na talaga ako. Hinarap ko na sila. Magsasalita na sana ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses ng isang babae sa likuran ko.

"Hey! Babyloves!" maluwalhating sigaw nito! I was stiffened when I heared her voice. Hindi ko talaga ako gumalaw. Ayoko ko siyang makita.

"Speaking of Choco Girl," tugon ni Darryle tas nginitian n'ya ako na animo'y nangiinis.

"Harapin mo! Ano ka ba, ang laki pa naman ng utang na loob natin sa girlfriend mo tas tinatalikuran mo lang? Tsk!" sabi ni Kei.

Hindi ko ginawa ang inutos ni Kei! Ayoko! Ayoko talagang harapin ang babaeng 'to.

Napapikit ulit ako ng mata nang bigla siyang pumunta sa harapan ko. This girl is really creepy! She ruined my whole night! Hindi ko siya titignan! I swear.

"Hey! Naniniwala ka ba sa love at first sight?" she said.

"B-bakit?" I slighlty open my right eye tapos tinignan ko siya ng bahagya.

"Gusto mo bang dumaan ako ulit?" she seriously said sabay wink sakin. Tapos tumayo naman 'yong mga balahibo ko tas napapikit ulit ng mata. Iiyak na ako! Iiyak na talaga sa kawirdohan ng babaeng 'to.

Inilagay ko ang fist ko sa tapat ng mukha n'ya at maangas siyang tinignan. "Isa pang banat, jujuntukin na talaga kita," sabi ko sa kanya.

"Uy? Hala nanununtok na siya, lalaki ka na!" mluwalhati n'yang tugon. Tss! Bwesit talaga.

"Sige, babatuhin na lang kita." Akma ko sanang tatanggaling ang sapatos ko nang bigla siyang lumuhod at dumaing sa sakit.

"Aray!" she moaned tapos tinakpan ang mga mata. Nagbigla naman ako sa ipinakita n'ya, tatanungin ko na sana kung anong nangyari sa kanya, kaso bigla na lang siyang tumawa habang nakayuko at makalipas ang ilang sandali ay tumatawa siyang humarap sa'kin.

"Ang galing mo ah? Hindi mo pa nga ako binabato natamaan na ako sa'yo. Woot! Woot!" She said tapos nagform ng heart sa kamay. Duh! I hate her.

"Booom! Hooo! Hanep mo talaga Fear!" sigaw ni Kei tas nagtawan silang lahat. Langya talaga.

"Alam mo, para kang libag?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman? Naku, Heaven. Minsan lang ako ganito kaya ayusin mo 'yang sasabihin mo't baka manggigil 'tong gilagid ko," gigil na sabi niya tapos inilagay n'ya 'yong mga buhok n'ya sa tainga n'ya. Letche! Nagpacute pa ang gaga!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now