Kabanata 48.5: The Date (Part 1)

10.3K 312 42
                                    

FEAR

"Waaaa. Ang ganda!" manghang-mangha kong sabi nang makarating kami ni Heaven sa lugar na ito. Nandito kami ngayon sa harap ng isang malapad na lake at ang masasabi ko lang talaga ay isang malaking 'WOW'.

"You like it?" tanong ni Heaven, tumango naman ako at niyakap siya. Ang bango!

"Thank you, Baby Loves," sabi ko sa kanya.

"Baby Loves?"

"Oo, naalala mo 'yung basketball league? Nung chi-neer kita na parang ganito... Alabyu! Alabyu Heaven Baby Loves," sabi ko sabay sayaw nung singit dance.

"Ahh, nung may sinabi ako sa'yo kaso 'di mo narinIg."

"Ha? Anong 'di ko naring?" tanong ko. Oo nga? Anong 'di ko naring noon? Napahinto ako. Tapos naalala ko agad! "Ah! Nung natapos ang game tapos may sinabi ka. Eh ano pala kasi ang sinabi mo nun?"

Lumapit siya sa'kin, 'yung tipong sobrang lapit. Lord? Ba't ang init?

"Sabi ko sa'yo nun, maganda ka kaso..." medyo pa-husky voice n'yang sabi sabay tingin sa boobs ko. "...maliit!" Napatakip naman agad ako ng boobs ko!

"Maliit ang height mo," dagdag n'ya tapos bigla siyang natawa ng mahinhin.

"Ang mean mo ha! Para kang timang!" naka-pout kong sabi sabay talikod sa kanya. Siyempre pakipot ko lang 'yun. Magmukha man lang akong normal. Ang panget kasi kung palagi ako kikiligin. Magmumukha lang akong parang natatae 'pag ganu'n ako palagi.

\ "It's okay Choco Girl, sabi nga nila short girls are beautiful creatures," sabi n'ya tapos napakagat ako ng labi. Shet.

"Talaga?" mahaba ang tono ng pagkakatanong ko. Halos mapunit na rin ang cheekbones ko dahil sa pagpipigil ng ngiti.

"You're beautuful hot babe. I really mean it," dagdag n'ya sabay yakap sa'kin sa likod ko. Shet ulit. "Hotbabe! Mas maganda ang Choco Girl!" untag ko. Kailan n'ya pa ako tinawag ng ganu'n?

"Yeah. Hotbabe. Becuse you're 'HOT' and you're my 'BABE'," sabi n'ya tapos naihi ako ng konti sa panty ko. Maryusip. Pero ang panget pa rin pakinggan. Parang hot cake. Speaking of hot cake...

"Hoy, Heaven! Tumigil ka nga, kumain na nga tayo. Gutom na ako e," medyo naiinis kong sabi. Pero ang totoo, tagos na talaga ihi ko. Sheeet.

"Okay, Hotbabe," naka-smirk n'yang hayag tapos inilatag na niya 'yung mantel sa damuhan pati 'yung mga pagkain.

"Say, aah Hotbabe!" sabi n'ya.

"Ahh," bukang bibig kong bulalas.

"Ahh." Ayan malapit na 'yung sandwich na hawak-hawak n'ya kakainin ko na... ayan na... sasahurin ko na! Ayan na!

"Masarap," sabi n'ya sabay kain sa sandwich. Walang hiya.

Pinaasa ako. Humanda ka!

"Baby Loves, say AHH," sabi ko! Ito! Babawi ako.

"Ahh," sabi n'ya naman tapos ilalayo ko na sana 'yung hotdog sa bibig n'ya kaso masyado siyang mabilis kaya ang nangyari,

"Aaaack!" Biglang nabulunan si Heaven ng kainin n'ya 'yung hotdog.

Agad naman siyang uminum ng juice tapos,

"Ahh. Sarap ng hotdog. Ang haba!" sabi n'ya naging dahilan upang maibuka ko ang bibig ko napanganga.

* * *

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now