Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako

18.6K 590 83
                                    

"ANO?!" Agad akong napasigaw sa loob ng isang unli-rice fast food chain. Nandito kami ni Heaven ngayon, nagdedate 'DAW?' kami. 'Yon ang sabi n'ya e.

Agad namang napatingin sa'kin ang mga taong kumakain sa loob ng food chain kaya inulit ko 'yong tanong ko sa kanya pero sa mahinang paraan na lang. Nakakahiya! Ang gulo-gulo pa naman ng buhok ko! Galing ako sa sabunotan session e!

"Ano?" pabulong kong tanong. Napairap naman siya sa ginawa ko. Tss! Ano ba 'yan? Nakaka-discourage ang pag-roll-eyes n'ya. Ang guwapo-guwapo niya tas nag-roroll-eyes siya?

"Oo! Blazing Eagles ang makakalaban namin," he said with all the despair for the second time around. Pati ako ay nanghina 'rin noong sabihin n'yang Blazing Eagles ang makakalaban nila. Not to add the fact na bakla siya at paniguradong wala siyang alam sa basketball.

"Ba't sila pa?" naitanong ko bigla sa kanya at napahawak agad sa sintindo. Alam ko kasi kung pa'no maglaro ang Blazing Eagles e. Pisikal silang maglaro. I have seen a lot of their games noong first year pa ako kaya alam ko. Tapos ngayon, Five Fingers pa ang makakalaban nila? Saan ang hustisya roon?

"Aba malay ko?" he said as he streched his both hands in the mid air. Ang bading talaga!

"Teka nga lang, ikaw lang naman ang bakla sa mga kaibgan mo 'di ba?" I asked him with no hesitations. Double purpose ang tanong na 'ypn, I'm confirming kung bakla ba si Niko Satto for the sake of Cheesy's infatuation and at the same time, tinatanong ko rin 'yon kasi umaasa ako na sana hindi bakla 'yong apat pa n'yang kaibigan ng sagayon ay may pag-asa pa silang manalo laban sa blazing eagles.

"Unfortunately, no. Lahat kami bakla." Napanganga naman ako ng biglaan. Pambihirang buhay! Bakla nga silang lahat? I really feel sorry for Cheesy, bakla ang crush n'yang si Niko Satto. And I really feel sorry for their team, alam kong talo na sila. Wala ng pag-asa.

"Condolences. Talo na kayo. Salamat na lang dito sa unli rice," I sarcastically said to him.

"Gosh! Choco Girl, talo agad?" After he said those words ay napahinga ako ng malalim. Haay! Wala ng pag-asa. Tsk! Sa oras na'to, gusto kong matawa at maiyak kasi kung titignan mong mabuti, para silang Korean Heartthrobs na astigin at malakas ang dating kaso, kabaliktaran lang pala niyon ang totoong katauhan nila. Kasi ang totoo, isa silang malalambot na prinsesa ng Disneyland. Hayy. Like what the tarpaulin on the entrance of the university said, 'Hindi lahat ng lalaki ay gwapo, hindi rin naman lahat ng gwapo ay lalaki.' Tsk.

Napatingin si Heaven sa mga kaibigan n'ya sa 'di kalayuan, kumakain din kasi sila dito sa oras na'to pero magkahiwalay ang table namin ni Heaven at ng sa kanila. Gusto raw kasi nilang bigyan ng privacy ang date namin. Tss! Kikiligin na sana ako sa word na 'DATE' kaso ang problema e 'yong ka-date ko, hindi totoong lalaki.

"Si Edison, siya ang pinakseryoso samin, mahilig siya magbasa at kahit tahimik 'yan e mahilig 'yan sa porn." Napapikit naman ako ng mga mata ko sa sinabi ni Heaven habang palihim niyang tinuturo 'yong kaibigan n'yang si Edison. Ibuking ba namang mahilig daw sa porn 'yong kaibigan n'ya? Bwesit!

"Si Darryle naman, siya ang pinaka-englishero sa'min. Ka-MU n'ya si Kei, palagi silang nagki-kiss sa mga comfort rooms ng university." Sa sinabi n'ya ay napapikit ulit ako ng mga mata ko. Ba't n'ya na kailangan sabihin 'yon? Letche!

"Si Niko naman, pinsan siya ni Kei. Siya ang pinakabakla sa aming lima, graduate siya ng bachelor of arts in Gay Lingo. Mahilig siyang magnakaw ng underwear ng mga crush n'ya, tapos inaamoy n'ya 'yon tuwing gabi. At pag nagsawa na siya sa amoy, agad naman niya itong pina-paframe." Sa oras na'to ay mas diniinan ko pa ang pagpikit ng mga mata ko, langya! Nakakadiri 'yong mga pinagsasabi n'ya. Breif? Pinapa-frame? Adik lang?

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now