Kabanata 21.0: Kakayanin

21.7K 544 37
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 21: Kakayanin
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

FEAR
"A-no 'yong matigas?" naitanong ko bigla sa kanya nang may maramdaman akong matigas na bagay na mukhang nadaganan ko sa may uhmm, sa may, ahh! Basta! 'yong sa may ano?. Parang parihaba na mahaba! Ewan! Hindi kaya 'yong ano nya 'yon!

Sobrang lapit lang ng mukha namin ngayon, as in! Siguro mga 0.0005 inch na lang e maglalapat na 'yong mga labi namin. Tatayo na rin sana ako  kaso bigla siyang tumayo kaya ang nangyari ay napa-egroll ako bigla sa lupa.

"Aray kooo! Huhuhu!" Nasapo ko bigla ang puwet ko. Ansakit nun ah?

"Oh my! Oh my!" naiiyak n'yang sabi as he get something inside his pocket.

"Durog!" sabi n'ya na may halong panghihinayang nang ipinakita n'ya sa'kin ang isang... PIPINO? So ibig sabigin, iyon pala 'yong naramdaman ko na parang matigas? Mabuti na lang talaga at hindi 'yon pumasok ng tuluyan sa kuweba ko.

"Ba't meron ka n'yan?" tanong ko sa kanya nang makatayo na ako. Grabe, ang sakit ng pwet ko! Langyang baklang 'to!

"Bigay 'to sakin ng security guard. Pampatanggal daw ng eyebags. Konti lang kasi 'yong tulog ko kagabi ee. Ahhh! Pa'no na 'to?" maluha-luha n'yang emote habang pinagmamasdan ang nadurog na pipino sa kanyang kamay.

"Alam mo? Ang oa mo! Pipino lang iniiyakan mo? Kung makaiyak ka e parang 'yan na lang ang kaisa-isang pipino sa mundo, ano? At isa pa, dapat kang magpasalamat no? Buti nga pipino lang ang nadurog at hindi 'yang ano mo!" sabi sabay turo sa ano n'ya. Matapos kong sabihin 'yon ay bigla n'ya akong inirapan sabay walk out. Naiwan akong mag-isa sa ilalim ng punong mangga nang may malapad na ngiti.

"Shet, ang tigas ng pipino!" Bulong ko sa sarili ko na parang baliw! Hahaha.
*   *   *
"I miss you, Fear! Namiss talaga kita!"   Niyakap ako ng tomboy kong bestfriend na si Cheesy.Namiss ko 'tong loka-lokang 'to.

"Nung wala ka, wala akong makopyahan. Palagi akong bagsak sa mga quizzes!" humahangos na sabi n'ya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Aray! Ano ba?" Nasapo ni Chessy ang nguso n'ya nang sinupalpal ko iyon ng pagkalas-lakas.

"So, na-miss mo lang ako kasi wala kang makopyahan, ganun?" inis kong tugon sa kanya nang maka-upo na kami sa isang table sa cafeteria tapos inirapan n'ya lang ako. Oo, nandito kami sa cafetria ngayon. Hindi kami pumunta sa departmental meeting. Kabagot kaya roon! Papaupuin lang kami roon ng isang oras ipapaboto sa'min kung sino ba 'yong gusto nilang muse or prince.

"Cheesy? Anyare sa'yo?" tanong ko sa kanya nang makita ko ang hairclip na nakaipit sa buhok n'ya. Nagulat lang ako kasi lately, hindi na siya naghi-hairclip pero ngayon, may hairclip na ulit siya. Pareho na kami.

"Uhmm, ano kashi. Uhm, ano kashi. Kashi ano, uhm. Hihihi," sabi ni Cheesy na parang naka-inum ng isang galong suka. Parang kinilig e? Hala! In love kaya 'tong babaeng 'to?

"Kasi ano?" tanong ko sa kanya sabay sip ng paborito kong choco drink. <*Kruuuu!*>

"Kilala mo ba shi, uhmm, shi ano? Uhmm. Hihi!" sabi ulit n'ya tapos sabay tawa ng mahinhin na parang kinuryerntehan ang ovary.

"Chessy ano ba? Ayusin mo nga 'yang pananalita mo!" sita ko sa kanya sabay sip ulit ng choco drink ko.

"O-okay. Kilala mo ba shi Niko Shatto?" pabulong niyang tanong sa'kin. 'Yong tipong pa-sekreto n'yang sinasabi kasi ayaw n'yang may makaalam? Cheesy? I smell something fishy! Aba, rhyme yun ah?

"Niko Satto? Myembro 'yon ng five fingers 'di ba? Bakit ba? Anong meron sa kanya?" patanong na sagot ko. Kahit medyo na-alog 'yong ulo ko noong nabangga ako ng sasakyan ni Heaven e matalas pa rin ang memorya ko no!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now