Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You

16.3K 573 94
  • Dedicated to Charnel Fate Malubay Castro
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Written by: JoeyJMakathangIsip

Nang makita kong wala ng sumunod kay Edison ay nakagat ko bigla ang labi ko at napaiyak. Nasaan ka Heaven? Nasaan ka? Nabitawan ko bigla si Arf-Arf nang yumuko ako at tahasang umiyak sa tuhod ko.

"Bwesit! Saan ka ba! Nakakainis ka! Saan ka ba! Nasaan ka!" sigaw ko sa sarili ko habang pinipigilang maiyak pero hindi ko nagawa. Letche s'ya! Nagpaturo pa ng basketball sa Papang ko, hindi naman pala sisipot!

"Fear..." Naramdaman ko namang niyakap ako ni Cheesy. Alam kasi ng bababeng 'to kung ano ang ginawa ko para makumbinsi ko ang Papang ko na turuan sila. Sabi ko sa Papang ko, magpapabuntis ako kay Heaven 'pag 'di n'ya tuturuan ang mga kaibigan nito at pati siya na magbasketball. Kainis! Bi-nlack-male ko pa ang Papang ko para sa kanya. Nakakainis siya.

"Kami po ay humihingi ng pasensya sa mga naghihintay sa laro pero nakapagdesisyon na po ang officials natin." Mas napaiyak pa ako lalo nang marinig ko ang sinabi ng speaker. Nakapagdesiyon na pala e. Ibig sabihin, talo na!

"Hindi! Hindi 'to puwede!" Napatadyak ako sa sa semento dahil sobrang inis. Nakakainis talaga siya! Hindi ko siya mapapatawad.

"Seeer!" Naitaas ko bigla ang mukha ko nang marinig ko ang maluwalhating pagsigaw ni Lukrecia.

"Arf! Arf!" Nakita ko namang kumahol si Arf-Arf na parang nakakita ng pagkain. Napatingin ako kung saan nakatingin si Arf-Arf... ngunit bago ko makita ng tuluyan ang tinitignan ni Arf-Arf ay bigla kong narinig ang malakas an hiyawan ng madla.

"Heaven! Heaven!"
"Heaven! Heaven!"

Nang mahimasmasan na ako sa pagiyak ko at malinaw nang naaaninag ang mga bagay-bagay ay bigla akong napatayo at napangiti ng malapad. Dumating siya. Dumating si Heaven!

Dahil sa tuwang naramdaman ko ay bigla na lang akong napatalon sa bleachers, tumakbo papalapit sa kanya at tahasan siyang niyakap.

"Pinagalala mo akong bakla ka!" I said as I hug him tightly. Humagulgol ako sa chest niya.

*   *   *
HEAVEN
"Uggh!" Napaungol ako bigla nang tadyakan ako sa may sikmura ng isang lalaking hindi ko nakikita dahil sa telang nakatakip sa mga mata ko.

"Ughh!" Sa pangawalang beses ay napaungol ulit ako sa sobrang sakit na naramdaman ko. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Nakagapos ang mga kamay at paa ko.

"Pasensya ka ba binata! Napag-utusan lang kami!"

"Uggh!" Kung sa mga oras na ito ay natiis ko pa ang sakit na nararamdaman ko, paniguradong sa susunod na mga tadyak at suntok ay hindi na. Paniguradong babagsak na ang katawan ko.

"Pasensya na talaga pero--" tatadyakan pa sana ako ng taong iyon kaso bigla kong iniwas ang sarili ko na naging sanhi upang hindi n'ya ako mataamaan.

"Huh! Kahit anong pagpupumiglas mo, wala na! Hindi ka na makakalabas dito hanggat hindi natatapos ang oras na ibinigay ng mga opisyal para hanapin ka. Kaya kung ako ako sayo, huwag ka na lang manlaban." Pinulupot n'ya bigla ang kamay n'ya sa may didib na parte ng suot kong jersey. Hindi naman ako nakapalag.

"Boss, may nakapasok," narinig kong sabi ng isa pang lalaki. Napangiti naman ako bigla. Paniguradong kilala ko ang mga nakapasok na iyon at alam kong dadating at dadating sila para sa'kin.

"Uggh!"

"Uggh!"

Dalawang magkasunod na sigaw ang narinig ko sa unahan. Rinig na rinig ko rin ang pagbaksak sa semento ng mga taong kanina lang ay umuungol pa.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now