Kabanata 34.0: Chansing!

15.3K 416 42
                                    

When A Gay Fell Inlove with a Girl

Kabanata 34.0: Chansing

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

**


Fear De Guzman
"Chessy, umuwi ka na sabi eh!" sabi ko kay Cheesy sabay tulak sa kanya papalabas ng parlor. Sabado ngayon, wala kaming pasok kaya nandito si Cheesy sa bahay, inuubos pagkain namin.

"Feear, ano ba! Kumakain pa ako ooh!" sabi naman n'ya habang dinidikit sa mukha ko 'yung turon na niluti ko kanina.

"Pwe!" sabi ko nang isinubsob n'ya 'yung turon sa nguso ko. Tumwa lang siya habang ako ay inirapan lang siya. Noong umirap ako, medyo naduling ako saglit kasi biglang umurong 'yung itim ng mga mata ko.

"Teka! Ba't mo ba ako pinapaalis ha? Ang aga-aga pa kaya!" sabi ni Chessy sabay tingin sa relo n'ya. Pajaporms na naman. Pwe talaga! May kapitbahay kasi kaming maganda na school mate namin. Julie ang pangalan. At alam n'yo na, nagpapa-pogi points na naman 'tong si Cheesy. Its her way of moving on with Niko. Nandidiri na nga ako minsan e.

"Oo, sobrang aga pa kaso inuubos mo na 'yung mga turon na ginawa ko para kay Heave--" Naitakip ko bigla ang mga kamay ko sa bibig ko nang mabanggit ko ang pangalan ni Hea-- Waaa! Ba't ko ba sinabi 'yun sa pagmumukha ni Cheesy?  

"Pupunta si Heaven ngayon sa bahay n'yo?" walang ka-emo-emosyong tanong ni Cheesy sa akin. Patay talaga! Inis kasi s'ya sa five fingers e sa kadahilanang pinaasa raw siya ni Niko. Pero sa totoo talaga e nag-assume lang siya. Kaya ang bruha, eto galit sa mundo. Galit sa five fingers. Galit kay Niko Satto pati kay Heaven babyloves.

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni Cheesy. Tss. Ano pa bang magagawa ko? Nasabi ko na e.

"Ahh, ganu'n ah!" patango-tango at nakanginsing
untag ni Chessy habang nakapamulsa. Ito na, ito naaaaa!

"BOYPREN MO PALA  'YUNG BAKLANG  'YUN? BAKIT S'YA PA FEEEEAR!? ALAM MO BANG BAKLA 'YUN? KUNG AKO SA'YO, I-BREAK MO NA! MASASAKTAN KA LANG!!! " Sa pagsigaw ni Cheesy ay biglang nagsilaparan lahat ng ibon. Nag-ingay lahat ng mga sanggol na natutulog. Lahat ng mga lasing sa kanto ay naalimpungatan. Nalusaw bigla ang paparating na bagyo. Huminto ang pag-ikot ng mundo at--joke lang. Exaggerated na masyado.

"Cheesy, ano bang pinagsasabi mo. Hindi ko boyfriend si Heaven, ano ba!" giit ko sabay takip sa bibig ni Cheesy. Oo, alam kong galit si s'ya kay Niko Satto pero pleeease, 'wag n'ya namang idamay si Heaven! Tama ba namang ipangalandakan n'ya sa buong daigdig na bakla  'yung tao? Tss! E secret nga iyong gender nila 'di ba?

"Fear, pasok!" malamig na tugon ni Papang nang lumabas siya sa parlor habang hawak-hawak ang isang blower. Patay na!

"Samahan mo ako! Mapapatay talaga kitaaaa!" nadudurog ngipin kong tugon kay Cheesy sabay kaladkad sa kanya papasok ng parlor. Humanda 'tong babaeng 'tooo! 'Pag ako pinagalitan ni Papang, piprituhin ko talaga ang nguso niya.
*   *   *
"Fear, magsabi ka ng totoo," sabi ni Papang matapos ikabit ni Ninang Douglas, Mac at Arthur ang mga wirings ng isang improvised na lie detector machine sa katawan ko. Pinandilatan ko naman si Cheesy na nakaupo lang sa tabi ko. Nag-peace sign naman siya at nginitian lang ako.   Walang hiya kang babae ka! Pa'no ba kita naturingan na kaibigan?

"Fear, magsabi ka ng totoo!" pasigaw na tugon ni Papang. May pasada si Mamang ngayon at mabuti na lang at si Papang lang nandito kasi pag nagkataon na dalawa sila mag-iinterview sa akin, nakuu! Hihinto talaga ang mayan calendar!

"Sa alin po ba ako magsasabi ng totoo pang?" nakanguso kong tanong kay Papang.

"Sa lahat ng itatanong ko!" sabi ni Papang sabay supalpal sa bibig habang medyo nangingilid ang luha. Problema nitong si Papang?

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon