Mysterious Chapter

9.4K 185 20
                                    

On Voice: Cheesy Demoiselle


*4 Years Ago*

Summer nun, nag-ssummer job ako sa isang store ng school supplies. Cashier ako nun kahit hindi ako marunong ng Algebra. Hehe. Wala namang XY XY 'pag cashier e. Hindi mo naman siguro sasagutin ang tanong ng costumer ng ganito, "Ay, 100 pesos po mam to the power of N times y sub one plus x sub one. You also have a change of N equals to the square root of 143. Kindly substitute nalang po the value of N to get the real value of your change." Hindi naman siguro ganun e. Hehe.

"Apo, pabili nga ng kwaderno." Habang nagbibilang ako ng coins, may isang lola na lumapit sa isang kasama ko.

"Ano pong impyerno lola? Hindi po kami nagtitinda ng impyerno. School supplies po ang tinitinda namin." Medyo bingi yung kasama ko kaya ganun ang sagot n'ya.

"Anong impyerno? Kwaderno hinihingi ko! Tanga!" Sabi ni Lola. Hehe. Nakakatawa naman.

"Ano po!?" Sigaw ng kasama ko.

"Sabi ko! Kwaderno! Hay naku! Heneheka ako sa'yo!" Medyo naiinis na sigaw ni Lola sabah hawak sa dibdib.

"Wala nga pong impyerno dito!! Umalis nga kayo! Arrg!" Sigaw ng kasama ko sabay mudmud ng nguso ni Lola sa sahig.

Matapos mamudmud ng kasama ko ang nguso ni Lola sa sahig ay agad namang nanlaban si Lola, "Ikawng bata ka, wala ka talagang respeto halika nga rito ng matikman mo ang hinahanap mo. Naku sabi sayo, matitikaman mo talaga ang----" bago pa mapatay ni Lola ang kasama ko ay agad akong pumagitna sa kanila.

"Lola, okay lang po ba kayo?" Tanong ko kay lola sabay alalay sa kanya para makatayo. Tinignan ni Lola ng masama yung kasama ko, agad naman itong umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Lola.

"Ahh, okay lang ako apo. Napakabait mo namang bata, hindi ka katulad ng kasama mong bingi."

"Hehehe. Thank you Lola. Uhm, ano po ba ang gusto n'yong bilhin?" Tanong ko sa kanya.

"Ay, wag nalang siguro, sige aaalis na lang ako apo. Mag-ingat ka."

"Bye lola." (^__~)/

Aalis na sana si Lola nang biglang siyang huminto at bumalik sa harapan ko. Ibinaba niya ng kaonti ang kanyang salamin at tinignan ako ng maigi. "Ineng? Matanong nga kita? Kilala mo ba si Fear Deguzman?" Tanong ni Lola. Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"Opo, bestfriend ko po siya." Sagot ko.

"Hmm, ganun ba. Ah, ineng pwede bang makisuyo sa'yo?"

"Ah, opo lola. Ano po yun?" Usal ko tapos inabot niya sa'kin ang isang wirdong slumbook. Kulay brown ang cover nito at mukhang lumang-luma na.

"Iyang slumbook na iyan? Pwede mo bang ibigay kay Fear Deguzman yan at pasagutan ang unang pahina sa kanya?"

"Ah, sige lola. Walang problema." Ngumiti ako kay Lola at wirdong tinignan ang slumbook. Ano naman kaya 'to?

"Balang araw, babalikan kita ineng at 'pag nagkita tayo gusto ko, ibalik mo ang slumbook na iyan sa'kin na kompleto ng nasagutan ni Fear Deguzman ang mga tanong sa unang pahina. 'Pag nagawa mo iyon ay bibigyan kita ng isang milyon."

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα