Kabanata 3.0: 1000th Guy

35.7K 946 107
                                    

The 1000th Guy

"EH miss, ako nakauna e." Sa oras na 'to ay pareho na kaming nakasilip sa bakanteng space ng shelf. At noong nakita ko kung sino 'yong ka-agaw ko sa libro ay biglang tumalbog ang puso ko.

"Heaven?" bulong ko sa sarili ko. Teka, ba't ganito? Ba't kinakabahan ako? Wala naman akong kasalanan sa kanya 'di ba?  Pero, bakit ganito? Anlakas talaga ng pintig ng puso ko e. 'Di naman ako uminum ng kape ah? Chocolate drink iyong ininum ko.

'Di ko namalayan, kumalas na pala 'yong kamay ko sa pagkakahawak sa libro. Pakiramdam ko, nawalan ako ng lakas nung magkatagpo ang mga mata namin.

Napaiwas naman ako agad ng tingin. Hooo! Umiinit kili-kili ko sa sobrang kagwapuhan n'ya! Hoo!!

"Thanks!" Maskuladong tugon n'ya na naging dahilan upang maibalik ko 'yong tingin ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti s'ya sabay taas ng libro at bago pa man siya makapunta sa counter ay hinabol ko s'ya agad.

Ako ang nakaunang nakakita sa librong 'yon kaya sa'kin dapat 'yon! Kahit guwapo siya ay hindi ko hahayaang makuha n'ya ang librong naging dahilan upang bumili ako ng mumurahing napkin! Nagtipid ako ng sobra para sa librong 'yon kaya hindi ko 'to puwedeng palagpasin! Kukunin ko ang libro sa kanya!

"Teka nga lang!" inis na siigaw ko. Napatigil naman s'ya. Go Fear! Kaya mo 'yan!

Nung kaharap ko na s'ya ay bigla kong naconcious sa mukha ko. Ang guwapo n'ya  talaga e! Nanggigil ako. Ang sarap niyang kurutin.

Sana walang muta o anumang dumi 'yong mukha ko. Arrg! Fear? Ano bang nangyayari sa'yo? Tao rin 'yan kaya 'wag kang mahiya!

    "Yes?" tugon n'ya at nakita ko namang kumunot ang noo n'ya.

Teka? 'Di n'ya ba ako namumukhaan? Parang 'di n'ya ako kilala e. Well, hindi naman talaga. Ang inaasahan ko kasing isasagot nya e, "Uyy. Ikaw 'yong babaeng hinila ko kanina 'diba?" Pero, mali ako. Expectation failed. Umasa ba naman ako? Lesson learned: Bawal umasa. Nakakatanga.

Dahil medyo may pagka-insensitive ang taong ito ay agad akong lumapit sa kanya at agad na tinuro ang libro,

    "Akin na nga 'yan!" medyo naiinis kong tugon. 'Di n'ya ba alam ba pinag-ipunan ko yaan? Tapos kukunin n'ya lang ng ganun-ganun lang? Ako kaya ang unang nakakuha niyon!

Nang hahablutin ko na sana ito mula sa kanya ay bigla n'yang itinaas ang kamay n'ya kasama ang libro. As if abot ko 'yon? E sa matangkad s'ya at may kapandakan ako?

"Oops! It's me who get this first. At isa pa, binitawan mo na 'diba? Ba't mo 'pa kukunin?" sagot n'ya na parang nang-aasar. 'Yong kabang naramdamaan ko kanina ay napalitan bigla ng inis nang sabihin n'ya iyon saken? Binitawan? Huh! E hinablot n'ya e!

"Anong ikaw? Papasok pa nga lang ako ng NBS nakita ko na 'yan. Akin na nga!" Tinangka kong  abutin ulit 'yong libro pero 'di ko talaga maabot. Tumalon talon pa ako, pero hindi talaga. Nagmumukha lang akong baliw na teletabies sa ginawa ko.

"Kung papasok ka palang, ako, nandoon pa lang ako sa labas ng mall nakita ko na'to," tugon n'ya. Nang-aasar talaga siya! Nakita ko pa siyang ngumisi! Kainis!

"Eh ako? Fetus palang ako, nakita ko na 'yan. Kaya akin na sabi 'yan eh!" Nang binaba n'ya 'yong kamay n'ya ay sinunggaban ko agad ang libro pero hindi ko pa rin nakuha e, nagmukha lang talaga akong tanga.

    Matagal kong hinintay ang libro na 'yan! Kaya hindi ko hahayaan na makuha n'ya 'yon. Hindi ako susuko!

"Huh! Ako, nasa bayag palang ako ng Daddy ko, nakita ko na ang librong 'to. Therefore, I own this. It's mine!" Tinalikuran niya ako bigla at naglakad papunta sa counter. He's getting into my beautiful nerves!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Место, где живут истории. Откройте их для себя