Kabanata 50: Ang Pagwawakas

11.2K 224 69
                                    

Makalipas ang isang linggo mula nang mangyari ang mga bagay na iyun ay nabalik na ang lahat sa normal na sitwasyon. Nakulong si Tanya at si Sunny dahil sa mga kasalanang nagawa nila. Payback kung baga. Sabi nga nila, walang sekretong naiitago. Parang utot lang 'yan e. Pigilin mo man ng ilang segundo, lalabas at lalabas pa rin 'yan. Sa mahina o malakas na paaraan man ay pareho pa rin itong mabaho. Mangangamoy at mangangamoy pa rin. Ikaw? Mabaho ba utot mo?

Matapos ang gabing iyun ay marami ring nangyari, nasunog ang salon ng mga De Guzman at napag-alaman na sinadya pala iyun ni Tanya Quezon. Walang nasaktan sa pamilya ni Fear ngunit napagdesisyonan ng kanyang mga magulang na pansamantala muna silang maninirahan sa probinsya. Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang mga magulang niya. Isang araw din siyang hindi nakapagsalita at tulala lang. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa gabing iyun.

Sa puntong ito ay bumalik si Fear sa city, nakatayo siya ngayon sa gilid ng daan habang nakaharap sa malapad na pedistrian lane kung saan nakatanim ang isang malungkot na alaala. Ang mga alaala ng gabing iyun.

Napangiti ng may kirot sa puso si Fear nang magbaliktanaw siya sa mismong oras na pareho silang sumasayaw ni Heaven kasama ang maraming tao sa lugar na ito. Masaya silang dalawa noon ngunit naputol lamang ang sayang iyun nang magkaroon ng putukan, nang dumating si Tanya, at nang mabaril si Heaven sa may likuran nito.

Nang matapos ang dalaga sa pagbabaliktanaw ay biglang dumaloy sa kanyang pisngi mula sa kanyang mata ang isang masaganang luha. Natatakot siya. Nanginginig ang kanyang laman sa tuwing naaalala n'ya ang sitwasyong iyun. Ayaw niyang maulit pa ang mga nangyari sa gabing iyun. Isang malaking bangungot ang mga pangyayaring iyun sa kanya.

Tumatakbo pa rin ang mga sasakyan sa malungkot na daan. Hinahagip ng mga ito ang malungkot na paningin ni Fear. Nagbabakasakali siya na sa oras na tumigil ang mga sasakyan sa pagtakbo ay lalabas din sa isang dako ang taong hinahanap n'ya. Si Heaven.

Dahan-dahan ay nakagat ni Fear ang kanyang ibabang labi nang mag-iba ang kulay ng traffic light. Huminto ang mga sasakyan nang maging pula ang ilaw. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Fear kasabay ng paglabo ng kanyang paningin sanhi ng mga luha na namumuo sa kanyang malungkot na mga mata. Unti-unti n'yang ibinuka ang bibig n'ya at durog pusong sumigaw, "HEAVEN! NASAAN KA! Nasaan ka Heaven? Nasaaan ka..." Biglang napahagulhol si Fear. Naitakip n'ya ang parehong kamay sa kanyang mga mata.

Simula noong gabing nangyari ang mga bagay na iyun ay hindi pa sila nagkikita ni Heaven. At ang mas masaklap ay hindi n'ya alam kung buhay pa ba ito o hindi. Ang tanging alam niya lang ay may tama ito ng dalawang bala sa may likuran nang huli silang magkita. Mga balang para sana sa kanya. Mga balang sinalo ni Heaven para sa kanya.

Unti-unti nang naglakad si Fear kasabay ng iba pang mga dumadaan sa pedistrian lane. Iba't-ibang tao ang kasama niyang naglalakad ngunit wala ni isa sa mga ito ang kilala niya. Wala ni isa sa mga ito ang hinahanap niya.

Nawalan na ng pagasa si Fear. Tumakas lamang siya mula sa mga magulang niya para pumunta sa lugar na ito. Umaasang makikita niya si Heaven ngunit nabigo siya. Kailangan na niyang bumalik.

Hahakbang na sana si Fear nang biglang may magsalita mula sa likuran niya. Isang pamilyar na boses mula sa isang pamilyar na tao.

"Choco Girl."

Napangiti si Fear ng mapait. Sa ganang kanya ay baka gawa-gawa lang ng isipan n'ya ang boses na iyun.

Muling naglakad si Fear ngunit bigla ulit siyang napahinto nang muli niyang narinig ang boses na iyun.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now