Kabanata 33.0: She's there

15.3K 416 98
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 33.0: She's there

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

[Mahiwagang mensahe: Please bear with the typographical errors. The author is a bit dyslexic. May mga words at letters akong nara-rumble. I know, na nanonotice n'yo yun. Pero ako, 'di ko yun 'nmaamalyaan'. If I'll try to edit it out, it will surely give me a hard time. And yeah dude! Its a sickness. At kung ganito ka rin, haha, welcome to the club! But don't worry, it's curable. Let's just read and read and read and write and write and write! Arraso? Keep fighting! Love, JJMakathangIsip

**

Fear De Guzman
"Edison," tugon ko kay Edison nang mapagtanto kong siya pala ang humigit sa braso ko.

"De Guzman? Okay ka lang?" tanong n'ya sa'kin nang bitawan n'ya ako. Nakita ko naman ang nag-aalalang ekspresyon na nakapinta sa mukha ni Edison. Tila nagtataka rin siya kung bakit ako mukhang gulat na gulat.

Nagulat lang ako kasi bigla na lang siyang sumulpot. May hahabulin pa sana ako kaso hindi ko nagawa kasi hinigit n'ya ang braso ko na naging sanhi upang hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot sa tanong n'ya habang hinihimas ang braso ko. Gagu rin 'tong taong 'to e. Ansakit humawak ng braso! Tsk! Hindi man lang nag-sorry.

Hinihingal pa ako ng konti kaya hindi ko nagawang magsalita. Tatanungin ko na sana si Edison kung bakit s'ya nandito pero..

"Edison!" sigaw ng isang babae. Nang mahanap ko ang may-ari ng boses na iyon ay agad akong napatingin kay Edison.

"Girlfriend mo?" tanong ko sa kanya na pinapatungkulan si Charnel Fate na papalapit sa kanya na may dala-dalang mga office supplies na nakabalot sa isang puti at malaking plastic bag na may nakatatak na 24 hours Convenience Store. Tss! Ba't di ko siya nakita kanina sa loob?

Sasagot pa sana si Edison kaso bigla na lang pinupulupot ni Charnel Fate ang braso n'ya sa braso nito sabay sabing, "Edison, let's go."

Nakatingin lang si Charnel Fate sa akin habang sinasabi n'ya iyon kay Edison. Isang tingin na tila tinatarayan ako. Tss.

"I'm just here to accompany Miss Charnel Fate in buying some office stuffs," tugon ni Edison tapos tumango ulit ako, so hindi n'ya girlfriend? Hmm.

"Heaven's with you right?" tanong ni Edison na siyang ikinainis ni Charnel Fate.

"Ahh, oo, pero nauna na siyang umuwi," sabi ko kay Edison tapos tinignan ko si Charnel Fate, tinignan n'ya ako ng masama.

"I see," he said tapos tinignan n'ya si Charnel Fate tapos ngintian. Fishyy.

"Gusto mo bang sumabay na samin? Ihahatid na kita," Edison said kaso bigla namang sumabat si Charnel Fate.

"No, kaya na ni Miss De Guzman mag-isa. Right Miss De Guzman?" sarkastikong tugon ni Charnel Fate.

"Ahh, oo. Kaya ko na mag-isa. Maraming salamat na lang," maluwalhating tugon ko kay Edison.

"Are you sure?" tanong ni Edison tapos pinandilatan naman ako ni Charnel Fate. Problema nitong babaeng 'to? Ba't ba siya dilat ng dilat? Uminum ba siya ng pang-purga?

"Ahh, oo okay lang. Magandang gabi!" sabi ko tapos ayun! Naglakad na sila papunta sa kotse ni Edison na naka-park lang sa may poste. Pinagbuksan naman ni Edison ng pinto si Charnel Fate at agad din namang sumunod sa pagpasok si Edison. Makalipas ang ilang sandali ay umandar na ang kotse. Dumaan ito sa harapan ko hanggang sa tinungo nito ang daan at unti-unti na itong nawala sa panigin ko.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now