Kabanata 12.0: Amoy Alak

25.5K 613 129
                                    

FEAR
"Papang? Maganda ba ako?" Naibulalas ko bigla sa ere nang makita ko ang repleksyon ng mukha ko sa isang malapad salamin sa harapan ko. Hindi nagsalita si Papang. Binalutan lang n'ya ng itim na tela ang ibabang parte ng katawan ko para hindi madumihan 'yong suot ko.

Nakita ko namang nginitian n'ya ako sa salamin nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Nang-iinis yata 'tong Daddy ko e!

"Paang!! Sagutin n'yo po!! Maganda po ba ako??" tanong ko sa Papang ko sa pangalawang beses. Kinuha n'ya 'yong korona na nakapatong sa drawer sa kabilang salamin at lumapit s'ya s'kin. Ipinantay n'ya ang mukha n'ya sa'kin at pinagmasdan naming dalawa ang aming mga mukha sa salamin.

"Pwedeng magsinungaling ang salamin anak kasi, hindi naman nito ipinapikita ang nasa loob mo o kung ano ka. Pisikal lang na katangian ang tanging pinapakita nito." Ngumiti s'ya at inilagay ang korona sa ulo n'ya. Napangiti naman ako bigla. Tama ang sinabi ng tatay ko. Pwedeng magsinungaling ang salamin! Pero ibig sabihin ba nun....

"Pang! Ibig sabihin n'yo ba e, panget ako sa panlabas??" Napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan n'yang kinukuha sa drawer na nasa harapan ko ang isang plantsa para sa buhok. At nang makuha n'ya ito ay humarap siya sa salamin at pinagmasdan ako.

"Anak, ibig ko lang sabihin na hindi mahalaga ang panlabas na anyo. Mas mahalaga pa rin ang nasa loob. Pero, pero, pero, hindi ko sinabing panget ka. E tignan mo 'tong mukha ng Papang mo oh.." Tinapik n'ya ng kamay n'ya sa ilalim ng baba n'ya.

"Ang ganda te!!! Kaya... maganda 'rin ang anak ko." Ngumiti s'ya at sinimulan na niya ang plagplantsa sa buhok ko.

Andito ako ngayon sa Parlor ng Papang ko. Oo, tama kayo ng basa. Parlor ng Papang ko. P-A-R-L-O-R. Parlor! Isa kasing parlorista ang tatay ko. Hmm. Oo! Bading siya. Pero, may minamahal siyang babae. 'Yon ay ako, ang kapatid ko at ang Mamang ko!

Bagama't bading ang Daddy ko ay marangal naman ang hanapbuhay n'ya. Isa siyang dakilang parlorista na nagawang pag-aralin ang dalawang anak n'yang babae sa isang pribadong paraalan. At take note, hindi lang nag-iisa ang parlor n'ya. Lima! Lima ang parlor ng Papang ko!

Kahit bading ang tatay ko ay hindi mo naman siya mababakasan ng pagkabakla dahil sa kagwapuhan n'ya. Tsaka mo lang malalaman na bading siya 'pag may hawak na siyang gunting, hairb lower, plantsa at hair dye.

Ang Mamang ko naman, tumutulong siya sa Papang ko. Siya ang nangongolekta ng bayad sa renta ng mga pinaparentahan namin na taxi na nabili namin dahil sa kinita ng Daddy ko sa parlor n'ya. May Apat kaming pinaparentahan na taxi. 'Pag gabi, inaabangan ng Mamang ko sa harap ng salon na'to ang mga driver na magbabayad ng mga renta nila. Pero may mga oras rin naman na siya ang nagda-drive ng taxi. Kagaya na lang ngayon.

Kabaligtaran ng mama ko ang papa ko. Si Mama ang tigasin at papa ko naman ang lambutin. Si Mama ang gumawa ng panlalaking trabaho at papa ko naman ang gumagawa ng mga pambabaeng gawain. At sa lahat ng story at napauod ko sa TV tungkol sa mag-asawa, ay sa kanila ang pinakakaibang alam ko. Kasi sabi ng Papa ko, mama ko raw ang nanligaw sa kanya.

At alam n'yo ba kung bakit Fear ang pangalan ko? Huh! Kombinasyon lang naman 'yan ng pangalan ng Mamang at Papang ko. Fe + Arnulfo = Fear! Pronounce as feyr.

"Papang. Can you ironed my hair too?" Napalingon ako sa limang taong gulang na kapatid kong babae na naglalaro ng Zombie Tsunami sa tablet na hawak-hawak n'ya. Napahinto naman ang Daddy sa pagpaplantsa sa buhok ko at kinausap saglit ang kapatid ko.

"No, Angry. Masyado pang manipis ang buhok mo kaya hindi pa pwede, next time na lang baby ha?" Bumalik baman si Papang sa pagpaplantsa ng buhok ko. Si Angry naman e ayun, parang na-disappoint yata. Kikay kasi si Angry, gusto n'ya nag-aayos s'ya palagi. Siyempre nagmana sa Papang. At, alam n'yo ba kung bakit Angry ang pangalan ng kapatid ko? Tss. Kombinasyon 'yan ng pangalan ng Lolo at Lola ko, Angelita + Henry = Angry. Weird ba? Ganyan ang pamilya namin e!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum