Kabanata 17.0: Girlfriend?

19.3K 705 149
                                    

FEAR
"Happy Birthday Heaven." Sa sinabi kong iyon ay agad s'yang bumaba mula sa pagkakaupo sa may cliff ng tulay. Lumapit s'ya sa'kin at mariin akong niyakap.

Sa loob ng isang minuto ay nanatili kami sa ganung posisyon. Hinayaan ko lang siya na ibuhos lahat ng nararamdaman n'ya habang kayakap ako. Akala ko, naipalabas na n'ya lahat ng nararamdaman n'ya sa pagsigaw n'ya kanina. Pero, mayroon pa palang natitira. Mayroon pa.

Alam kong nahihirapan s'ya sa pinagdadaanan n'ya ngayon. Masyadong masama ang Daddy n'ya sa kanya. Kanina, nung nakita ko siyang binugbog ng Dad n'ya e gusto ko siyang lapitan, pero hindi ko ginawa kasi akala ko, lalaban s'ya. Kaso hindi. Hindi s'ya lumaban kasi may pinoprotektahan s'ya. Ang mama n'ya.

Rinig na rinig ko ang inosente n'yang pag-iyak. At iyon nga, pati ako ay e naiiyak rin. Pakiramdam ko kasi, ang lalim-lalim ng dahilan ng pag-iyak n'ya. Parang may gusto siyang ipalabas mula sa loob n'ya pero 'di n'ya magawa. Isang bagay na 'di n'ya masabi sa iba, kaya ngayon, dinadaan na lang n'ya sa pag-iyak.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at dahan-dahang inilapat sa likod n'ya.

   'Okay lang 'yan, iiyak mo lang lahat at mawawala 'rin 'yan. Gamitin mo lang 'tong balikat ko hanggang sa mawala ang mga luha mo," bulong ko sa isip ko.

Makalipas ang ilang sandali ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. Mabilisan s'yang tumalikod kaya hindi ko nakita ang mukha n'ya.

"Tae! Ang OA ko," sabi n'ya habang pinupunasan ang luha n'ya gamit ang panyo n'ya na ibinalik ko sa kanya.

Alam kong nahihiya ang mga lalaki sa pagpapakita ng totoong emosyon nila kaya to respect his privacy ay dahan-dahan na akong naglakad papalayo sa kanya. Aalis na ako. Tapos na ang epic role ko e.

Sasakay na sana ako sa ninakaw kong bike nang bigla s'yang magsalita....

"This is your fault." Sa sinabi n'ya ay bigla akong nakaramdam ng inis. Tss? Kasalanan ko bang umiyak s'ya? Tinorture ko ba siya para umiyak s'ya? Tss!

"You have seen me crying." Malamig na tugon n'ya sakin pero hindi ko pa rin s'ya nililingon.

"You're lucky," he added as he genuinely made a manly chuckle. Yabang!

"None of the girls in this world have ever hugged for that long but to tell you frankly.." huminto s'ya at nagsalitang muli "..hugging you was an effective painkiller. Thanks!" dagdag niya.

   Napahigpit naman ako ng hawak sa manebela ng bike na kasalukuyan kong itinatayo, pakiramdam ko kasi e nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi n'ya. Naninibago ako sa kanya, parang ambait n'ya ngayon e at.... tama bang sabihin ko na nakakakilig ng matres ang pag-e-english n'ya? Takte!

"Okay lang," sagot ko sa kanya nang hindi s'ya nilingon. Nag-umpisa na magtulak ng bike at dahan-dahang naglakad pero napahinto ulit ako nang magsalita s'ya ulit.
"Teka lang."

   Ano na naman?

   "Pwede bang samahan mo'ko? Kain tayo? Libre ko."

Mula sa paghinto ay humakbang ulit ako ng ilang beses, nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba ang alok n'ya.

Iyon nga lang, nawala agad ang pagdadalawang-isip ko ng marinig ko ang isang espesyal na salita na nagmula sa kanya.

"Please?"

"Kahit ngayon lang?"

Nang marinig ko iyon ay agad ko siyang nilingon at binigyan ng ngiti, "Sige ba."

Nang sumang-ayon ako sa alok n'ya nakita ko agad ang ngiti sa mga labi n'ya ay tumalbog ulit ang puso ko. Pero sa pagkakataon iyon ay mas malakas ang pagtalbog nito.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now