Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)

17.4K 543 71
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

FEAR
"Uwaaa!"

Ngawa lang ng ngawa si Angry ngayon, iyak lang siya ng iyak. At habang naririnig ko siyang umiiyak e sobrang natataranta ako. Ano na? Ano ng gagawin ko rito? Ba't ang hirap maging ate?

"Hey? Anong ginagawa mo sa sister mo?" tanong ni Darryle.

"Oo nga? Ba't mo bibalibag?" tanong naman ni Kei.

"Papaaaang!"

"Uwaaaaaa!"

"Papaaaang!"

"Uwaaaaaa!"

Hindi ko naman sinagot 'yong tanong nina Darryle at Kei. Pinapagpatuloy ko lang ginagawa ko kay Angry.

Balibag. Ikot. Balibag. Ikot.

Oo, ganyan nga ang ginagawa ko kay Angry ngayon, binabalibag ko siya at iniikot. Ganito kasi ang ginagawa ko 'pag hindi tumatahan si Angry. Binabalibag at iniikot. Sa katanuyan, ganito rin ang ginawa ko kay Angry nung tumalon s'ya sa bintana ng bahay namin. Wala ang Mamang at Papang ko nun, iyak lang siya ng iyak nun at hindi ko alam kung pa'no siya papatahanin kaya ang ginawa ko nung oras na 'yon e nag-experiment ako kung paano ko siya mapapatahan. At 'yon nga, binabalibag ko si Angry at inikot-ikot na parang trumpo at naging effective naman.

"Girl! Maawa ka sa jukatid mo!" sigaw ni Niko na may halong pag-aalala, siguro naawa na siya sa kapatid ko dahil sa pinaggagawa ko rito.

"Stop it! Ano ba? Akin na nga 'yan!" Hinablot naman ni Heaven si Angry tapos inilagay n'ya ito sa may dibdib n'ya tapos ayun, tumahan na si Angry. Inirapan naman ako ni Heaven.

Ano ba 'yan? Parang ang sakit sa loob. Ako na ate ni Angry at hindi ko siya nagawang patahanin, pero siya, nagawa n'ya. Ang sakit sa loob ha! Plus inirapan pa ako. Kamusta naman 'yon?

"Wow! Ang galing mo sis!" sabi ni Niko sabay palakpak. Compliment n'ya sa kaibigan n'yang si Heaven.

"Puwede ka ng baby sitter," tugon naman ni Kei.

"Puwede na kayong magka-anak ni Fear," sabi naman ni Edison. Sa sinabing iyon ni Edison ay napatigin agad ako sa kanya. Biglang nag-bell ang utak ko nang narinig ko 'yong sinabi n'ya, nakaramdam ako ng inis bigla.

"Ayaw kong mag-asawa ng nang-iirap no!" sigaw ko kay Edison. Tss! Nakakainis kasi 'tong si Heaven eh, inirapan ba naman ako nung kinuha n'ya si Angry sa'kin? So kamusta naman 'yon? Ano naman ang gusto n'yang ipamukha? Na tatanga-tanga akong ate? Ganun?

"Nah! Pati ako no, I will never mary someone who's very sadist to her sister." Sa sinabing iyon ni Heaven ay napahinga ako ng malalim. Nakakainis siya! Nakakainis!

Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ko. Agad naman ako umakyat sa bleachers, kinuha ko ang phone at tahasang sinagot ang call.

"Hello!!!" May galit na sagot ko sa nag-call. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag, sinagot ko na lang agad.

"Fear? Papang mo 'to! May problema ba?" nagtatakang tanong ng kausap ko sa kabilang linya. Tss! Si Papang pala! Nasigawan ko pa!

"Wala naman po." Okay, I lied. Actually mayroon, nahulog si Angry sa bleachers at pakiramdam ko e kasalanan ko 'yon.

Nqpatingin naman ako kay Heaven matapos kong sabihin iyon, karga-karga pa rin n'ya si Angry at mahinahon itong pinapatahan. Nahuli naman n'yang tumingin ako sa kanya tapos inirapan n'ya lang ako.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now