Kabanata 1.0: Heaven?

70.5K 1.4K 505
                                    

"ID please?" Kasalukuyang naka-upo ang guidance counsellor sa rocking chair at naglalaro ng tetris sa isang tablet na nakalapat sa malapad na mesang gawa sa salamin.

Iniabot ko ang I.D. ko sa kanya pero parang hindi n'ya naman ito nakita kaya inilagay ko na lang  ito sa table n'ya.

Nandito ako ngayon sa loob ng guidance room. Naghihintay ng parusa para sa kabulastugan na ginawa ko kanina na hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang la-landing 'yong slam book sa peluka ng professor ko?

Napahinto ang guidance counsellor sa paglalaro ng tetris nang mapansin n'ya ang I.D. ko. Kinuha n'ya ito at masusing tinignan ang bawat detalye.

"Fear De Guzman. BSBA-Financial Management student. Female. I.D. number, 110799," sambit n'ya habang binabasa ang mga impormasyong nakasulat sa I.D. ko. Pagkatapos basahin ang mga nakasulat sa I.D. ay ibinaba n'ya ang salamin na suot-suot n'ya at pinukulan n'ya ako ng isang madiin na tingin. 'Yong tipong diin na may halong pagkilatis? Pagkilatis na para bang isa akong kriminal na nagnakaw ng monay sa isang panederya? Nakakaiyak!

Yumuko naman ako ng konti para hindi n'ya mahalata ang magandang pagmumukha ko. Ilang beses na ba kasi kaming nagkita ng guidance counsellor na'to? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Hindi ko na mabilang!

Noong nakaraang semester kasi, walang buwan na hindi ako naga-guidance. Kadalasan sa mga rason kung bakit ako napapapunta dito ay dahil sa mga bagay na hindi ko naman talaga sinasadya. At ngayon, andito na naman ako? May magnet ba ang silid na ito?

"IKAW NA NAMAN? PAMBIHIRA!" Naitapon n'ya bigla ang tablet na nasa harapan n'ya at napahawak bigla sa maugat n'yang sintido.

Napadilat naman ako nang makita ko 'yong tablet na itinapon niya. Pambihira nga naman talaga! Hindi n'ya talaga ako nakalimutan!

"Miss De Guzman? Ilang beses ka na bang pabalik-balik sa guidance room na'to? Nung una, nilagyan mo ng thumbtacks ang upuan ng kaklase mo, pangalawa nagvandal ka sa locker room ng salitang PAKYU at ngayon, sinunog mo naman ang silid-aklatan!?"

Napanganga ako sa sinabi n'ya. Tumayo ako agad para depensahan ang sarili ko. Ano daw? Sinunog ko daw ang library? According sa statistics, kaya raw maraming tanga ay dahil talagang nagpapakatanga sila. At ngayon, ayaw kong magpakatanga at akusahan na lang ng kung anu-ano ng guidance counsellor na ito.

"Sir, inaamin ko pong nilagyan ko ng thumbtacks ang upuan ng kaklase ko last sem, at inaamin ko rin po na nagvandal ako ng 'PAKYU' sa locker room. Pero Sir, hindi ko naman po sinunog ang library! Nagkakamali po kayo. Iba po ang kasalang ginawa ko ngayon, ib--" Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla n'yang binuksan ang bintana ng guidance room at tumingala sa kalangitan na animo'y may hinihintay na kababalaghan.

Oo, inaamin ko talaga na naglagay ako ng thumbtacks sa upuan ng kaklase ko. May report kasi ako noon at nagpe-prepare ako ng visual aids kasama 'yong mga thumbtacks na nilagay ko sa isang bakanteng upuan. At malay ko bang tatanga-tanga 'yong kaklase ko at inupuan 'yong mga thumbtacks na nanahimik lang sa upuan na iyon?

At 'yong 'PAKYU' naman na vi-nandal ko sa locker room, hindi ko rin 'yon sinasadya. May napulot kasi akong kakaibigang pentelpen noon. Tapos sinubukan ko iyon na isulat sa dingding ng locker room para makumpirma kung gumagana ba. Pero noong nagsulat ako ay wala namang lumabas na ink. Pero makalipas ang sampung segundo ay bigla-bigla na lang bumakat sa dingding ang salitang PAKYU. Nagulat ako kasi iba ang salitang lumabas, PAnget KaYU talaga 'yong sinulat ko pero PAKYU ang lumabas.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now